"Nandito parin siya?" bulong ko pagkapasok ko sa private room ni Regina. Kahapon ay may dumating na lalaki dito, akala ko ay kaibigan lang siya ni Regina pero hindi ako sigurado dahil sa kinikilos nito. Siya ang naglilinis kay Regina at hinahayaan lang siya ni Romulus kaya nagtataka ako.Lagi akong napapatingin sa wrist nito dahil pang-bata ito. Halatang gawa lang ito at may "Daddy" na nakasulat doon, siguro ay may anak na ito. "Yeah, kumain kana ba?" tanong nito sa akin.Tumango ako sa kanya at ipinakita ko ang dala kong pagkain para sa kanila."Ilang linggo nalang makikita na naman ang babay natin." saad nito habang nalahawak sa tiyan. "Kumain na kayong dalawa." aya ko sa kanya.Iniayos ko naman ang pagkain nila at napatingin naman ako sa kaibigan ni Regina na ngayon mukhang inaantok na.

