Ilayda's POV Lumabas muna kaming dalawa ni Thunder at hinayaan munang mag-usap si Sky at Cloud. Kasama namin si Tita Andy sa labas pero agad ding nagpaalam sa amin dahil kailangan niya munang umuwi at magpahinga. Magdamag kasi silang nagbantay ni Tito Drex kay Cloud. _ Ilang minuto na kaming nakaupo ni Thunder sa labas ng kwarto ni Cloud nang biglang lumabas si Sky. Kaya nga sabay kaming napatayo ni Thunder. "Ano tapos na moment niyo?" -biglang tanong ni Thunder. Edi sinikmuraan ko nga. Napadaing naman siya. "Ano Sky? Tapos na ba kayo mag-usap?" -tanong ko. Tumango naman siya. "Pwede na kami pumasok?" -tanong ulit ni Thunder. "Oo naman." -Tawa ni Sky. Kaya nga pumasok na kami sa loob. Pagkapasok na pagkapasok namin ng kwarto agad sinermonan ni Thunder si Cloud. Haha! Akala mo siya

