Chandra's POV Nagmadali akong lumabas ng room nang makitang papalapit na naman sa akin si Gab. Kaso dahil sa pagmamadali hindi ko napansing may nakabangga na pala ako. Pagkaangat ko ng tingin, nagulat na lang ako ng malamang si Aleyna pala iyon. "Uhh. S-Sorry." -Sabi ko. Tinignan niya lang ako tapos saka niya ako nilagpasan. Napabuntong hininga na lang ako. I miss her. Talagang nagbago na nga ang turing niya sa akin. Mag-eexplain na lang ako sa kanya kapag medyo lumamig na siya. At kapag nakahanap na ako ng paraan kung paano gagantihan si Blare. "Cha, nakita mo si Aleyna?" -biglang tanong ni Storm. "Uhh. Oo. Kaaalis niya lang." -Sagot ko. "Ganun ba? Hays. Sabi ko sabay kami tapos bigla akong iniwan." -Sabi ni Storm. Nang biglang lumapit si Gab sa amin. Tinignan niya ako kaya iniwas

