Aleyna's POV Ilang araw na akong dinedeadma ulit ni Ryle. Kaya hindi ko na alam ang gagawin ko. Nang makausap ko naman siya wala naman kaming problema. Kaya nakampante ako. Pero dumaan ulit ang mga araw naging ganun ulit siya. No texts. No calls. Papansinin niya lang ako sa school kapag pinansin ko siya. Tapos ngayon naman, may tampuhan kami ni Cha. Haaay buhay! Ilang linggo na kasi siyang hindi sumasabay sa aming kumain. Ilang linggo na rin siyang umiiwas at hindi namamansin. Parang si Ryle. Ano ba talagang problema nila? Bakit ba nila ako iniiwasan? Bakit sila lumalayo sa akin? Lagi na lang kasama ni Cha yung mga kapwa cheerleaders niya kaysa sa amin eh. Kaya pakiramdam ko, nagkulang ako bilang bestfriend niya. Siguro may nahanap siya sa mga cheerleader na yun na wala ako. At guess

