Skyzzer's POV Nang makauwi kami ni Ate agad siyang dumiretso sa kwarto niya. Mukhang pagod na pagod nga eh. Halos ilang araw na nga siyang ganyan. Yung tipong akala mo laging nagbibitbit ng mabigat? Nang bumaba ako sa sala nakita ko doon si Mom na nagpapa-pedicure sa suki niya. Lagi lang kasi siyang nagpapahome service dahil nga busy. "Oh Sky. Yung Ate mo?" -tanong ni Mom. "Nasa kwarto niya po. Mukhang tulog na nga po eh." -Sabi ko. "Ilang araw na siyang ganyan ah? Ano bang pinaggagagawa ng Ate mo sa school ha at bakit lagi na lang pagod na pagod?" -Sabi ni Mom. "Hindi ko nga po alam eh. Sa tuwing tatanungin ko po siya ang sabi niya lagi wag daw po akong mag-alala." -Sagot ko. "Wag mag-alala? Eh baka mamaya pinapahirapan na pala siya doon ng teacher niya hindi niya lang sinasabi?!"

