Skyzzer's POV Nang mayari ang klase, nakita kong nag-uusap ngayon si Ilayda at Thunder. Kaya nga hindi muna ako lumapit sa kanila at hinayaan silang mag-usap. Ilang araw na kasing hindi pinapansin ni Ilayda si Thunder. Mukhang may tampuhan ang dalawa. Pagkalabas ko naman ng room nakita kong nakaabang na si Cloud. Nakangiti naman akong sinalubong siya. "O, anong ginagawa mo dito?" -Sabi ko. "Edi malamang sinusundo ka. So, ano? Tara na sa cafeteria?" -nakangising sabi niya. "Sige." -Sagot ko. Kaya nga pumunta na kaming dalawa sa cafeteria. Nang makapunta kaming cafeteria sabay kaming pumila ni Cloud at namili ng pagkain namin. Nang makabili na kami, umupo na kami sa isang bakanteng pwesto at nagsimulang kumain. Maya-maya dumating na rin sila Ate Aleyna at Kuya Storm. Nakabili na rin

