Ilayda's POV Ilang araw ng hindi namamansin si Thunder kaya wala ng nangungulit sa akin ng ilang araw. At dahil dun naging hayahay ang buhay ko. Wahaha! Kasalukuyan akong nakikinig sa teacher namin ngayon at nagsusulat ng lectures ng biglang magring ang bell. Meaning break time na. "So, that's all for today. Don't forget to do your homework at home." -Sabi ng teacher namin sabay lumabas na ng room. Nagsimula naman na akong magligpit ng gamit ko nang lumapit si Sky sa akin. "Ilang araw na ah? Deadma pa rin si Thunder. Natutulad na siya kay Cloud. Nagiging cold na rin siya." -Sabi ni Sky. "Hayaan mo siya." -Sabi ko. Sabay lumabas na rin kami ng room. "Ano ba talaga kasing nangyari? May pinag-awayan ba kayo?" "Wala nga kaming pinag-awayan okay?" -sagot ko. "Eh bakit hindi niya tayo pi

