Chandra's POV Kinabukasan, sabay kaming pumasok ni Sky. Tuwing umaga lang kasi siya sumasabay sa service. Tuwing uwian kasi kay Cloud na siya sumasabay. Nang makarating kaming school, sabay na kaming bumaba ng sasakyan. Sakto namang nakita namin yung sasakyan nila Aleyna. Mukhang hinatid sila ni Tito Eirol ngayon. Kasi minsan yung driver nila ang naghahatid sa kanila. Sabay silang bumaba nila Ilayda at Eiron. Tulad kasi ni Sky tuwing umaga lang din sumasabay si Ilayda sa kanila. Pagdating kasi sa hapon kay Thunder na sumasabay si Ilayda. Lumapit kami ni Sky sa kanila. "Hi, Cha at Sky. Goodmorning." -Bati ni Aleyna. "Goodmorning." -Sabay na bati namin ni Sky. "Tara na, baka ma-late pa tayo. Haha." -Sabi ni Aleyna kaya nga sabay-sabay na kaming naglakad papasok ng building. Kaso nga

