Aleyna's POV Maaga akong nagising kinabukasan. Mga 5:30 pa lang gising na ako upang maghanda. Naligo agad ako at nagsuot ng black leggings, pink racerback at rubbershoes. Nagpusod na rin ako ng buhok ko saka lumabas na ng bahay. Ang usapan namin ni Storm ay sa court kami magkikita kaya nagjog na ako papunta sa court. Nang makarating ako doon, nandoon na nga si Storm at naglalaro na ng basketball. Nang makita niya ako ay tumigil siya sa paglalaro at kinuha ang bola saka lumapit sa akin. "Ano ready ka na para sa basketball lesson natin?" -nakangisi niyang sabi. "Oo naman." -Sabi ko. "Oh, edi tara na! Haha." -Sabi niya kaya nga pumunta na kami sa gitna ng court at sinimulan ang basketball lesson. Tinuruan niya ako ng iba't-ibang klaseng galaw sa pagshoshoot, pagpapasa ng bola at ang ta

