Aleyna's POV Tawa kami ng tawa dito ngayon habang nakatanaw kay Thunder na halos hindi na makahinga sa yakap ni Ella. Akala kasi namin success ang plano niya na operation taboy Ella kasi napaiyak niya. Ayun pala hindi. Dahil mas lalo yatang nagkagusto si Ella sa kanya. Hahaha! Kawawang Thunder. Napahinto lang ako sa pagtawa nang matanaw si Ryle na may hawak na tray at kabibili lang sa counter. Nang magtama ang tingin namin ay nginitian ko siya at kinawayan. Ngumiti rin siya sa akin. Pero yung parang pilit lang ba? Tapos iniwas niya na rin agad ang tingin sa akin saka pumunta sa pwesto ng mga kabarkada niya. Teka? May problema ba siya? Bakit mukhang matamlay siya? Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman kong may dumikit sa ilong ko. At nung lumingon ako ay nakita kong tumatawa na si S

