Chandra's POV Nang magrecess sumunod na naman sa akin si Gab. Kaya nga nagmadali ako sa paglalakad papuntang cafeteria. Nang makapunta akong cafeteria ay agad akong pumila sa may counter para hindi niya ako makita. Bumili lang ako ng pagkain ko tapos naghanap na ako ng pwestong mauupuan. Pero bago iyon, tinignan ko muna ang paligid. Baka kasi mamaya makita ako ni Gab. At nung mapagtanto kong wala siya sa paligid ay umupo na ako sa isang bakanteng pwesto. Pero sakto namang pagkaupo ko ay naramdaman kong may umupo din sa katapat kong upuan. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Gab na nakangisi. "Akala mo matatakasan mo ako?" -sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako. Hayss, ilang beses ko na ba siya sinubukang takasan? Tinatakasan ko siya kasi gusto kong lubayan niya na ako. A

