Chapter One

2171 Words
"Ate Ian, why are you staring at me?" Napatigil si Iana at napangiti sa tutee niyang si Kyu. Nakatitig kasi siya rito habang nag iisip. "Uhmm, wala lang may naalala lang ako na kamukha mo." Sagot niya rito sabay kurot sa pisngi nito, tiningnan naman siya nito na para bang naguguluhan sa sinabi niya. That's actually a half truth and half lie, yes it's true na may kamukha ito pero alak talaga ang nasa isip niya habang nakatitig dito. Naalala niya kasi na wala na siyang stock ng beer and wine sa bahay at hindi pwedeng maubusan siya ng mga iyon dahil iyon ang pampatulog niya every time na nahihirapan siyang makatulog. Naka-usli 'yung nguso ni Kyu kaya naman kita 'yung bunging ngipin nito sa unahan. Hindi niya tuloy napigilan ang mapangiti sa ka-cute-an nito at muli itong kinurot sa pisngi. Matangos ang ilong ng batang ito kahit na chubby at mas lalong nagpa-cute sa kanya 'yung singkit nitong mata. "Ouch! It does hurt, ate." Reklamo ni Kyu habang hinihimas 'yung pisngi niya. "Oh, I'm sorry Kyu!" Labas sa ilong na apology ni Ia while making face. Tiningnan lang siya nito ng masama at balewalang kumuha ng brownies sa box at nagpatuloy lang ulit sa pagkain. Kakatapos lang ng tutoring session nilang dalawa at hinihintay na lang niyang matapos itong kumain bago ihatid sa waiting shed. Napatitig naman ulit siya kay Kyu, dahil kamukha niya talaga. Kaya siguro ang bilis niyang nakasundo ito, halos magkasing ugali rin kasi sila nito. Kung baga, si Kyu 'yung five years old version noong taong nasa isip niya. "Ate Ian, you know you can have one. I know you're hungry, that's why you're staring at me." Pag-aalok nito ng hindi tumitingin sa kanya at naka-focus lang sa kinakain nito. "I'll have one later." Sabi niya sabay tingin sa relo niya, 1:18 pm na rin pala. Medyo nakakaramdam na rin siya ng gutom pero may hiya pa rin naman siyang nararamdaman. Sobrang laki na kasi ng tulong nitong pamilya ni Kyu sa kanya. They pay her 2,000 per day para lang turuan si Kyu and some days ay para samahan lang itong maglaro after ng class nito. One hour lang naman niya nakakasama itong si Kyu a day and three days a week. Malaki na iyong 2,000 for one hour 'no and they pay her weekly pa. Ginagamit niya iyon for her daily expenses and for her school requirements na din. Bukod pa doon eh kaka-start lang niya as student assistant ng isang Engineering Professor. Naawa na rin kasi siya sa Mama niya na nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa para lang sa pag aaral niya at para bayaran ang iba pang utang nila. Ang Mama na lamang niya ang meron siya. Her dad died one year ago after their business went bankrupt. Ang daming utang ang naiwan sa kanila, kaya naman lahat ng pag aari nila ay bigla na lang ring nawala, including their home. Nag offer ang kaisa-isang kapatid ng Mama niya sa Laguna na doon muna sila habang unti uti silang bumabangon, sadly she had no choice that time kung hindi ang sumama sa Mama niya so she left everyone without saying goodbye. But after a month nakipag-communicate ulit siya with some of her friends, she told everything to them and keep them updated. She also had to stop going to college because they couldn't afford it yet that time. So she worked as a cashier in a grocery store muna habang ang Mama naman niya ay nagtrabaho sa isang pabrika. Almost one year, pinalad ang Mama niya at natanggap ito sa abroad and that's when she decided to go back and continue her studies. Supposedly ay second year college na siya but since she stopped, first year college pa lamang siya ngayon and she's taking Fine Arts. Nakatira siya ngayon sa isang apartment, 15 minutes away from the University. Her friends Quia, Artemis and Trudis helped her the whole time, also Eleonor, Kyu's mom. "You can have it all, ate. I think kuya's outside na because the small hand of the clock is already pointing to number one and the big hand is pointing to six." Sabi nitong si Kyu sabay abot ng box ng brownies sa kanya na may apat na piraso pang natira. Napatingin siya sa malaking orasan sa school at sa relo niya as her heart thumped. 1:30 pm na nga. Mabilis niya itong inabutan ng wet wipes para mapunasan nito 'yung chocolate na nakapalibot sa bibig nito. "Thank you. Hmm, kuya will pick you up?" Tanong nito kay Kyu habang nilalagay nito na sa bag 'yung dalawang book nito sa Filipino and Math. Kinuha niya naman 'yung Writing book nito at ipinasok sa bag niya. May long quiz kasi itong si Kyu sa Monday at kailangan niyang gumawa ng reviewer kaya naman kailangan niyang basahin ulit 'yung mga pinag aralan nito nung mga nakaraang araw. "Ya and you're welcome, ate." Matipid na sagot naman nitong bata at tsaka ngumiti na parang excite na excite makita ang kuya nito habang pinupunasan pa rin ang mukha nito. "Okay, let's go?" Tumango naman ito ng dalawang beses at tsaka kinuha ang bag at isinukbit sa likod nito. Hinawakan pa nito 'yung kamay niya at sabay silang naglakad papunta sa gate. Nakatingin lang si Iana sa kanya na ngiting ngiti pa rin habang naglalakad sila. Hindi naman kalayuan 'yung table na pinupwestuhan nila hanggang sa gate kaya naman saglit lang nilang nilalakad 'yon.  "Bye, ate! See you tomorrow!" Niyakap ni Kyu si Iana pagdating nila sa gate. Tulad ng nakagawian nilang dalawa, hanggang dito niya lang hinahatid ang bata. Hindi na siya umaabot pa hanggang sa waiting shed. Binitawan na niya ito, kumaway na muna at maligalig na tumakbo palabas ng gate. He's always excited to see his kuya. Ngumiti muna si Iana sa guard na nakaupo sa gilid ng guard house bago tumalikod at nag umpisang maglakad papunta sana sa office ni Professor Lopez. Pero bago iyon naisip niya munang dumaan sa cafeteria para bumili ng isang sandwich at bottled water. Sa isip isip niya mabubusog na siguro siya no'n since may ibinigay rin namang brownies si Kyu. Babawi na lang siguro siya ng kain mamayang dinner time. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagbili dahil almost 2pm na rin at tapos na ang lunch time, magsisidagsaan pa lang ang ibang studyante ng 3pm para mag snacks. Tulad ulit ng nakagawian every time na may session sila ni Kyu, pumupwesto siya sa bench malapit sa building nila para kumain at doon niya kinain 'yung sandwich at brownies na bigay ni Kyu. Sinuot niya pa 'yung earphones niya para makinig mg music habang kumakain. 2:30pm pa naman niya kailangan dumaan sa office ni Professor Lopez, so may ilang minuto pa siya para magpahinga saglit. — 'Good day, El. Kindly collect output #9 and hand it to my student assistant. I have urgent meeting so I won't be able to attend the class today meaning you can go home early. Go to Caravaggio Building, Room 103 and look for Ms. Ortega. Thank you, Mr. President!' Pagkabasa ni El ng message na sinend ng professor nila, mabilis niyang in-announce iyon sa mga ka-block mate niya, "Hindi raw makakapasok si Ma'am Lopez, ipasa niyo na lang 'yung output #9 tapos pwede na daw tayong umuwi." Nagsigawan naman ang mga ka-block mate niya dahil sa announcement na iyon, sino ba naman kasing hindi matutuwa di'ba? Una-unahan naman nagsilapitan ang mga kaklase niya sa kanya at nagmamadali ring lumabas ng room. "Pre, ano wala na tayong klase g ka ba?" Tanong ni Ralph na seat mate niya, gimmick ang tinutukoy nito. "Pass, pre may utos pa si Ma'am tsaka baka may lakad din kami tonight ng barkada ko." Sagot niya na hindi nakatingin dito habang inaayos 'yung mga output na basta basta na lamang pinasa ng ibang block mates niya. Anyways, he's referring to his high school friends. "'Yon lang, sige pre pag may tugtog na lang kayo sa bar sabihan mo ko." Yes, El has a band with his high school friends and sometimes tumutugtog sila sa bar malapit sa University. Medyo sikat sa campus 'yung band nila so every time na may tugtog sila, automatic puno ang bar kaya naman wiling wili itong pumunta si Ralph dahil more students more ladies na pwede niyang maka-match. Hindi na siya hinintay nitong makasagot, tinapik na lang nito ang balikat niya at mabilis na ring umalis. Siya na lang ang natitira sa room kaya naman inayos na lang niya ang mga output at naglakad na rin palabas. Medyo malayo ang Caravaggio building, it is actually 1.2 km and 4 minutes drive away from their building so instead of walking he decided to use his car. Pagkadating niya sa building na 'yon, humanap lang siya ng parking space at bumaba ng sasakyan. Iniwan na niya sa loob ng sasakyan ang bag niya kaya naman ang mga output lang ang bitbit niya. Pagkapasok niya ng building ay hindi na siya nagtanong sa guard, room 103, mabilis lang siguro hanapin iyon sa isip isip niya. Noong nakita na niya ang room 103, sumilip pa siya sa maliit na glass sa upper part ng pinto para tingnan kung may on going class ba ang mga ito. Pag silip niya ay napakunot na lamang ang noo niya dahil parang limang studyante na lang ang nasa loob, ang tatlo ay nagpipinta habang ang isa ay nakahiga sa floor na may cover lang ng mga dyaryo at ang isa naman ay nakaupo sa sulok na busy naman sa phone nito. Tatlong beses siyang kumatok at marahang binuksan ang pinto. Inilawit pa niya ang ulo niya at nagtanong. "Excuse me, nandito ba si Ms. Ortega?" Tanong niya, habang sabay sabay naman na nagsilingunan ang lima at napatigil sa mga ginagawa nila at para bang na-starstruck sa kanya because he looked familiar to them. Of course, he's El Parsons aside from being part of a band, he's the eldest son of a veteran actress. It took two minutes before nag process sa utak nila 'yung tanong ni El, nagpalit palit pa sila ng tingin because of their curiosity. Because why would El look for their block mate? Until one of them answered. "I am not sure but maybe you can find her in front of this building, ah bale may mga bench sa tapat pag labas mo ng building and madalas doon siya tumatambay every friday, swerte mo pag naabutan mo siya doon." Sagot nitong babae na may mahabang buhok at nakasuot ng salamin na ngumiti pa from ear to ear, actually it's more like nagpa-cute habang ang apat ay nakatitig pa rin kanya, they're still awed by his presence. He found it super awkward so he just smiled, thanked them then immediately walked away from them. Napakamot pa siya sa ulo habang naglalakad palabas ng building. f**k, I didn't even ask them how she looks like or why didn't I even ask Ma'am Lopez for her number na lang? Sa isip isip niya. Anyways, marami naman siyang oras so hinayaan na lang niya plus he forgot his phone rin inside his car. Mabilis naman niyang nakita ang mga bench sa tapat ng building pero kailangan pa niyang tumawid dahil nasa kabilang side ito. Inikot na niya ang paningin niya habang tumatawid at tatlong tao lamang ang nandoon, dalawang lalake at isang babae na nakatalikod, na maikli ang buhok at kulay ash gray ang kalahati ombre style, nag kamot pa ito ng likod so he noticed her tattoo on her right arm. He assumed that, that was her since pinapunta siya rito sa Caravaggio, na for students who are taking courses related to arts and only those students are allowed to have a tattoo and hair color here in the university. He smiled dahil pakiramdam niya it's his lucky day, maaga siyang makakauwi though may inutos si Ma'am Lopez sa kanya pero sa tantsa niya ay mabilis lang niyang magagawa iyon. "Ms. Ortega?" Medyo mahinang tanong niya habang nakatalikod ito dahil medyo hindi siya sigurado kung ito nga ito, pero he's hoping na siya ito. Nasa likod siya ng bench na inuupuan nito. Hindi siya nilingon nito kaya medyo pakiramdam niya ay mali siya pero muli niya itong tinawag, "Ms. Ortega?" This time nilakasan na niya ang boses niya but still hindi pa rin ito lumingon. Nawawalan na siya ng pag asa, tatalikod na sana siya pero bigla niyang narinig ang boses nito na para bang kumakanta na hindi naman gano'n kalakas pero sapat para marinig iyon, "But what can you do? And it's not fair. I keep on writing a sequel to stories." Do'n lamang niya napansin ang wire ng earphones nito. So he poked her shoulder and asked her again, "Ms. Ortega?" Mas malakas na ang boses niya kumpara kanina. Dahan dahan naman itong lumingon habang tinatanggal ang earphones sa dalawang tainga nito and as she slowly turned her head right surprised registered on his face. "Ian?" He muttered and surprised registered on her face too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD