Hindi na ako sumama sa sinabi niyang photoshoot. Maghapon lang akong humilata hanggang sa mamalayang sumapit na pala ang gabi. Hindi ko alam kung hanggang kailan ito. Ni wala rin akong idea kung patuloy ko bang mararanasan ito. Kuya Alet was so aggressive. Bagaman humingi ng tawad kalaunan, hindi mawawala sa isipan ko kung paano niya hinagis nang walang pakundangan ang cellphone dahil lang sa hindi ko pinakilala si Kahlil. Himala para sa akin nang maunang umuwi si Ate Dahlia. Kadalasan kasi ay malalim na ang gabi kung kailan siya darating ng bahay. Pagod na pagod niyang ibinagsak ang handbag sa gilid at umupo sa hapag kung saan nakahanda na ang hapunan na iniluto ko. "Wow. Sakto," aniya nang nakangiti. “Hindi kasi ako nagtanghalian sa sobrang dami ng ginawa kanina. Pinilit kong

