Kabado ako habang naglalakad. Nahihiya man, hindi ko hinayaang lumayo sa tabi ni Kahlil. Party itong pinuntahan ko kaya kailangan kong makisama. Naninibago man dahil laki akong isla at mga taga-syudad ang makikilala, mahalagang parte ito upang mas makapag-adjust pa ako. Habang papalapit, binilang ko na rin kung ilan ang kaniyang mga kaibigan. Lima sila at hindi nagkakalayo ang tangkad. Mga college students na kaya sila? Base sa kanilang itsura, tindig, at pangangatawan ay hindi maipagkakaila na nagmula silang lahat sa mayamang angkan. Nang tuluyang makalapit, iminuwestra ako ni Kahlil sa kaniyang mga kaibigan. Isa-isa niya akong ipinakilala at isa-isa ko rin silang nginitian. Mabait naman silang lahat. Ngunit may isa na umagaw sa pansin ko. Ang tahimik niya at kakaiba ang tingin sa

