Kinailangan pa ba talaga niyang gawin iyon? Kinailangan bang tanungin pa niya kung napasaya ko siya? Lumipas ang ilang segundo, saka niya ako ibinaba nang may pag-iingat. Pagtapak ng paa ko sa sahig, doon pa lang ako nagkaroon ng pagkakataon upang alisin ang tingin sa kaniya. Masyado ang pamumungay na nakikita ko sa kaniyang mga mata at kung hindi ko pa magagawang ibaling sa ibang bagay ang tingin ko, baka tuluyan na naman akong mahuhulog dito. “Kumain na tayo,” aniya sabay iwas ng tingin sa akin. Tumalikod siya at dire-diretsong naglakad patungong dining area. Nanatili muna akong nakatayo rito ng ilang segundo upang mapag-isip-isip kung ano ang nangyari. Nangyari ba talaga iyon? Binuhat niya ako… kumapit ako… at muntik na magdikit ang mga mukha namin. Paano kung tuluyan niya akong na

