Sinubukan ni Desteen na bumangon ngunit nabigo siya dahil sa sobrang sakit ng kanyang katawan. Para siyang nasagasaan ng ten wheeler truck. Gusto niyang kutusan ang sarili. Pero kahit na sobrang sakit ng kanyang katawan wala siyang pinagsisihan. Dahil alam niya sa sarili na kahit sa kunting sandali ay pinili niya ang kasiyahan niya. Simula noong makita niya ang video ng kakambal niya. Ipinangako niya sa kanyang sarili na gagawin niya ang lahat makamit lang ang hustisya para sa kakambal na hinalay at pinatay ng walang kalaban-laban. Mula din noong napanood niya sa video na iyon, walang gabi na hindi siya binangungot. Ramdam niya ang sakit na dinanas ng kakambal. It was her reason why she joined her father's organization. Iyon ang rason kung bakit siya nagsumikap ng husto. Kung bakit niya

