DESTEEN'S POV: Kinabukasan maagang nagising ang kanyang anak nambulabog sa kanila. Halatang excited ito sa gagawin na shooping spree daw nila para sa ireregalo nito sa kaarawan ng kanyang papa. "Mama! Mama!" excited na yugyog sa kanya ng anak. "Wake up! Wake up! It's Papa's birthday we should buy papa a gift! Ibibigay ni baby Alas kapag mag-visit na si Papa sa atin. Come on, Mama! Come on!" Naghikab muna si desteen bago iminulat ang mga mata. Nakasakay sa tiyan niya ang malusog na anak saka niyuyogyog ang kaniyang mga balikat. Tumawa nalang siya sa ka-excited-an ng anak. Hindi niya alam kung natulog pa ba ito. "Mama is awake already," imporma niya sa anak saka dinala ito sa bisig niya para yapusin at halik-halikan ang malulusog na pisngi. Humahagikgik si Alas dahil nakikiliti ito a

