UNO'S POV: Hindi alam ni Uno kung papaano sasagutin ang tanong ng dalaga. Hindi niya alam ang gagawin. It should be a secret. Wala pwedeng makaalam sa pagkatao nila maliban sa pamilya niya. Bumubuka ang bibig ng binata pero kalauna'y tinitikom din. Walang salita ang namumutawi sa bibig niya. Walang boses ang lumalabas. "Sunshine Sarmiento," basa ulit ni Desteen sa papel. "Ang ganda niya 'no?" May lungkot sa boses nito habang sinasambit ang mga katagang iyon. Pansin din ni Uno ang lungkot sa mga mata ng dalaga habang hinahaplos ang litrato. "Hindi mo na kailangan pang sagutin ang tanong ko. Pasensya na kung nangi-alam ako sa gamit mo. Don't worry. Wala akong ginalaw maliban sa folder na 'to." Relief was visible in Uno's face. Nagpasalamat siya na hindi na nagtanong ulit ang dalaga pe

