UNO'S POV: Kasalukuyan siyang naka bahay ng mga Schmid patikyular sa silid ng dalaga. Matapos itong nahimatay kanina ay nataranta sila kaya imbes na isugod ito sa hospital ay sa bahay nila ito ideneretso. Nasa higa ang dalaga ngayon at payapang natutulog. Wala pa din itong malay. Natingnan na din ito ng doktor na ipinatawag ng ama nito. Nagkagulo sila kanina sa mall. Dahil sa nangyare ay panay ang iyak ng anak nila kaya hindi niya alam kung sino ang uunahin sa sandaling iyon. Ang anak niya ba na iyak nang iyak o ang mahal niyang babae na nahimatay. Malambing niyang hinahaplos ang maamong mukha ng dalaga. Banayad ang paghinga nito. Hindi niya lubos akalain na sa wakas nahawakan niya na din ito. Sa wakas nalapitan niya na din ito. He waited years for this to happen... "I shouldn't

