“Damn, you are alone here. You let the front door unlock. What were you thinking, huh? Let me do that, okay?” naiinis na saad ni Devon. Napalingon si Mayet dito at napalunok siya ng makitang iritado na ito. Namumula ang tainga at tiim na tiim ang bagang. “Nakalimutan ko lang,” aniya saka inayos ang pagkakaupo. Galing siya sa labas dahil may dumating na billing ng kuryente. Hirap siyang lumabas dahil sa kalagayan ng paa niya at nawala na sa isip niyang isara iyon pagkapasok. Bagaman sinisilip-silip siya nina Rosie ay hindi naman nagtatagal ang dalawa. Ayaw din naman niyang maging pabigat sa mga ito kaya kahit mahigpit ang bilin ni Devon na ito ang maglilinis sa sugat niya ay sumige siya. Nahihirapan nga lang siya pero kinakakaya niya. “Next time, be sure to lock your door,” sermon pa n

