Kinabukasan ay maaga siyang gumising para tignan ang kambal. Pagpasok sa baby room ay ang sarap ng tulog ng mga ito. Ang sarap din ng tulog ng daddy niya na sa bahy's room natulog. Kaagad naman siyang napangiti. Masayang-masaya dahil bumalik ang dating daddy niya. Ang daddy niyang maalaga at mapagmahal. Pagkatapos ay mabilis na siyang bumaba at nagluto ng breakfast. Kapag may oras kasi siya ay mas gusto niyang pagsilbihan si Marco. Ilang sandali pa ay bumaba na rin ang bagong ligo na si Marco. "Good morning!" Masayang bati niya rito. "Morning" Seryosong sabi nito at umupo na sa may hapag-kainan. "Anong oras pala tayo aalis?" "An hour from now, ang kambal tulog pa ba?" Tanong nito habang naghihiwa ng ham sa may plato nito. "Oo, ang sarap nga ng tulog nila. Mukhang gustong-gusto ni

