[RAFAELA'S POV] Hindi ako makapaniwalang magtatagpo ang aming landas dito. Tadhana ba 'to? O baka nagkataon lang? "May problema ba sa kotse mo?" tanong niya habang nakatingin ito sa akin. Hindi ako mapakali. "H-ha... ah... a-ano. M-may sira k-kotse ko." Hindi ako makapagsalita nang maayos dahil sa presensiya niya. "Let me check your car." aniya at pumunta siya sa harap ng kotse ko para tingnan ang sira. Binuksan niya ang hood at tiningnan ang loob nito. "Nagka-problema sa wires ang kotse mo kaya hindi ito umaandar. May dala ka bang tools?" tanong niya. "W-wala eh." sagot ko sa kanya. "Mukhang hindi mo 'to magagamit ngayon. Gusto mo ihatid na kita sa inyo?" aya niya. Napalunok ako. Nagdadalawang-isip ang utak ko. Tatanggapin ko ba? "Paano ang kotse ko?" "Ako na ang bahalang magh

