[RAFAELA'S POV] Simula nang makita ko si Lance sa bridal shower ay sunod-sunod na tanong ang pumasok sa isip ko. Anong nangyari sa kanya? Bakit naging stripper siya? Paano siya naging si L.J.? Wala na ba talaga siyang pera? Bakit hindi siya humingi ng tulong sa parents niya o 'di kaya kay Lucas? Kumusta na sila ni Elisa? Natigilan ako dahil sa huling tanong ko. Kumusta na nga ba silang dalawa? Parang ayokong alamin. Masasaktan lang ako. Napailing na lang ako. By the way, ito ang first day ko bilang official actress. Maliban sa pagiging idol ay pinursue ko na rin ang pag-arte. Ito ang una kong proyekto at main lead agad ang nakuha ko. Ang leading man ko naman ay walang ibang kundi si Jameson Faulkerson. Kung dati ay hanggang tingin lang ako sa kanya o fangirl lang, ngayon ay lead

