[RAFAELA'S POV] Mas bumilis ang paghinga ko dahil sa matinding kaba. Humakbang ako papalayo at sinubukan kong kunin ang aking phone sa bedside table. Pinakiramdam ko muna ang lalaki. Gano'n pa rin ang pwesto niya at hindi pa rin ito gumagalaw. Marahas kong dinampot ang phone ko sa bedside table at saka ako tumakbo papasok sa banyo. Halos magkandamali-mali ako sa pagla-lock ng pinto dahil sa sobrang takot. *blag* Mas tumindi pa lalo ang takot ko nang naramdaman ko ang pagdamba ng pinto na sinasandalan ko. Naluluha at nanginginig kong tinawagan si Kuya Rafael habang pinipigilan kong bumukas ang pinto. Pero hindi siya sumagot. Sinubukan kong tawagan sina Jameson at Lucas pero hindi rin nila ito sinasagot. *blaaaaggggg!* Pakiramdam ko ay nawalan ako ng pag-asa nang mas lumakas ang pagda

