Chapter 32

1165 Words
[KISSES' POV] Kinakabahan ako dahil nasa tapat ako ngayon ng condo ni Jameson. It's been a long time noong bumisita ako rito. Simula nang maghiwalay kaming dalawa ay hindi ko na siya nabibisita sa condo niya. Teka, tama ba ang term na maghiwalay kung hindi naman naging kami? It's more like pinagsawaan na niya ako. Huminga muna ako nang malalim bago kumatok sa pinto ng condo niya. Kaya mo 'to Kisses. Ilang segundo akong naghintay nang bumukas ang pinto. At nakita ko ang lalaking minahal at kinabaliwan ko. "Kisses?" gulat at hindi makapaniwalang tawag sa 'kin ni Jameson nang makita niya ako. "H-hi." nahihiyang bati ko sa kanya nang makita ko ang itsura niya ngayon. Nakatapis lang siya sa may bewang. Ang buhok niya ay basa pa at may tumutulong mga patak ng tubig sa kanyang tiyan. As usual, ang hot pa rin niya kahit kulang ng dalawa ang abs niya. Apat lang kasi ang meron siya kaya kinulang. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya sa 'kin. Iniwas ko naman ang tingin ko sa katawan niya. "Pwede ba tayong mag-usap? It's about the issue na kumalat." aniko. Blankong tiningnan niya ako bago siya sumagot. "Come in." At tinalikuran niya ako. Pagkapasok ko pa lang sa condo niya ay napansin kong halos wala pa ring pagbabago ang loob nito. Gano'n pa rin ang kulay ng pintura sa wall at ceiling. Ang mga pwesto ng mga gamit niya ay hindi pa rin nagbabago. May nadagdagang mga gamit pero may nabawasan naman. Pero higit sa lahat, nandoroon pa rin ang sofa kung saan may marami kaming nabuong memories. Diyan kami kumakain. Diyan din kami nagkukulitan, nagtatawanan, nanonood ng TV, nagmememorize ng mga scripts, natutulog, gumagawa ng sweet moments. At diyan din namin... *blushes* ...ginagawa ang mga bagay na para lang sa mga may label. Kahit na nililigawan niya lang ako ay hinahalikan niya ako sa labi. Hindi lang smack kundi torrid na rin. Kahit wala kaming label dalawa ay para na rin kaming mag-jowa. Diyan din sa sofa na 'yan muntikan nang may mangyari sa 'ming dalawa. Alam niyo na 'yon. Buti na lang at na-co-control ni Jameson ang sarili niya at napipigilan ang init na nararamdaman niya dati sa 'kin. "Imagining something?" Bumalik naman ako sa huwisyo nang magsalita si Jameson. Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala siya at nakangisi. Pero nagulat ako nang makitang naka-boxer shorts lang siya. Parang nag-init bigla ang pakiramdam ko. Agad akong umiwas ng tingin at umupo sa sofa. "Pumunta ako rito to clean Rafaela's name. As you know, maraming netizens ang nangbabash sa kanya sa social media. Dahil sa nangyari ay apektado na ang pang-araw-araw na buhay niya at hindi na siya makalabas nang malaya." pagpapaliwanag ko sa sitwasyon ni Rafaela. "I'm currently investigating right now about the issue at kung sino ang nagpakalat ng picture na 'yon." ani Jameson. May kinuha ako sa aking bag. Yung itim na sobre na naglalamang pictures at liham na natanggap ni Rafaela. Binigay ko ito kay Jameson. Gano'n na lang ang gulat niya nang makita niya ito. "B-bakit mayroon ka niyan?" hindi makapaniwalang tanong niya. "May nagpadala yan kay Rafaela noong sabado. Nakita namin ang pangalan mo sa loob at yung kuha ng mga litrato diyan ay kapareho sa litratong kumalat sa issue." pagpapaliwanag ko. Nakita ko ang pagkakuyom ng mga palad niya. Parang may alam siya. "May idea ka ba tungkol sa nagpadala niyan?" tanong ko. Nakita kong napapikit siya. Halatang may nalalaman siya. Sana. "Wala." ang sagot niya. Nanlumo naman ako dahil do'n. Akala ko meron. "Gano'n ba? Yun lang ang gusto kong sabihin sa 'yo. Aalis na ako." sabi ko at saka tumayo na ako. "Sandali!" Napatigil ako nang bigla niya akong hinawakan sa kamay. Napatingin naman ako sa kamay niyang nakahawak sa akin. At tumingin sa kanya. "I'm sorry Kisses." sabi niya na may halong lungkot sa boses niya. "I'm sorry kung naging duwag ako." dagdag pa niya. Napakunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" Nakita ko namang napayuko siya. "May nagbabanta sa akin noon." sabi niya. Hindi ko naman siya sinagot at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Kaya ako tumigil sa panliligaw sa 'yo noon dahil may nangbabanta sa 'kin." sabi niya na ikinabilis ng t***k ng puso ko. *heart beats* Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Bigla rin akong naging emosyonal sa narinig ko mula sa kanya. [JAMESON'S POV] Nang masabi ko 'yon kay Kisses ay pakiramdam ko ay nawala ang bigat sa aking dibdib. Sa wakas, nasabi ko na rin sa kanya ang dahilang gusto niyang marinig sa 'kin. "H-hindi kita maintindihan Jameson." ani Kisses pero nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Napayuko ulit ako at tiningnan ang itim na sobre. "May nagpapadala rin sa akin ng itim na sobre gaya ng kay Rafaela. Pinagbantaan akong layuan kita kung ayaw kong sirain niya ang career mo." pagpapaliwanag ko kay Kisses. "W-what?" hindi makapaniwalang tugon niya. "Bakit ngayon mo lang sinabi 'yan sa 'kin?" Nakita ko ang pagpatak ng mga luha niya. "Patawarin mo ako Kisses. Patawarin mo ako kung sinaktan kita. Ayoko lang masira ang career mo dahil sa 'kin." sabi niya sa 'kin. "Matagal nang sira ang career ko sa showbiz Jameson. Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit pa do'n? Imbes na samahan mo ako at i-comfort dahil sa nangyari, sinaktan mo pa lalo ang damdamin ko Jameson. Sobrang sakit ng ginawa mo sa 'kin." narinig kong umiiyak niyang sabi. "I'm sorry Kisses. I'm sorry kung wala ako sa tabi mo noong nasasaktan ka." emosyonal kong sabi. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. "Alam mo bang mahal na mahal na kita that time? Mas masakit ang ginawa mo kaysa sa mga issue na binabato ng mga tao sa 'kin. Inisip ko kung ano ba ang nagawa kong mali para maging cold ka sa 'kin? O baka nagsawa ka na ba sa 'kin kaya pinagpalit mo na ako kay Elisa?" emosyonal niyang sabi. "No, no. That's not true." tugon ko. Hindi ko mapigilang malungkot at maawa sa napagdaanan niya dahil sa 'kin. "Kaya ako nag-quit bilang actress dahil gusto ko nang maka-move on sa mga nangyari sa 'kin. Durog na durog na ang puso ko dahil sa 'yo. Tanging si Lance lamang ang nakakasama ko at umiintindi sa 'kin. Dahil sa presensiya niya, pakiramdam ko ay hindi ako nag-iisa. Hindi ko naman maka-usap ang kapatid kong si Danielle dahil busy siya sa negosyo at sa mga anak niya. Kahit sina Lauren, Ezekiel, Fred, Rissey, and even your twin brother can't comfort me. Si Lance lamang ang nakasama ko sa tuwing nasasaktan ako." aniya. Agad ko naman siyang niyakap. "Babawi ako para sa 'yo Kisses. I promise." sabi ko sa kanya. Hindi na ako magpapadala pa sa takot. Gagawin ko ang lahat para kay Kisses. Kahit na masira ko pa ang mga rules na 'yon ay wala na akong pakialam pa. Handa na akong harapin ang lahat ng mga consequences para sa babaeng mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD