Chapter 35

1066 Words
[RAFAELA'S POV] "Wag ka ngang magbiro nang ganyan Lance. It's not funny." nakasimangot kong sabi sa kanya. "I'm serious Rafaela. Kahit smack lang please." sabi niya at ngumuso ulit siya. Mukhang naiintindihan ko na si Kisses kung bakit siya nag-stay dito. Gusto niya lang ako bantayan sa mga kalokohan ni Lance. "Gusto mo ba talaga ng kiss?" nakangising tanong ko sa kanya. May pumasok na ideya sa isip ko. Bwahahahaha! Parang bata namang tumango siya. "Hmm! Pero sa isang kondisyon." sabi ko sa kanya. Napalitan naman ng pagtataka ang nakanguso niyang itsura. "Ano namang kondisyon 'yan? Gagawin ko." "Lalabas tayo mamaya in disguise at pupunta sa mall." sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagngisi niya. "Yun lang ba? I'm okay with it baby." kampanteng pagpayag niya. Palihim naman akong ngumisi. "Pero nakabistidang babae ka dapat." dagdag ko pa. Nakita ko naman ang pagkawala ng ngiti ni Lance at lumaki ang mga mata niya. "What?" "Payag ka ba o hindi? Wala kang kiss sa 'kin kung hindi ka pumayag." may nakakalokong ngiti kong sabi. I'm sure tatanggi 'yan dahil ayaw niyang mapahiya sa mga tao. Akala niya siya lang ang pwedeng gumawa ng kalokohan. Pwes kaya ko rin. "Sinusubukan mo talaga ako." seryosong sabi niya. Nawala naman ang ngiti ko dahil do'n. Napalitan ito ng sunod-sunod na lunok ko. Kinabahan ako bigla lalo na nung mas lumapit pa siya sa akin. At ganoon na lang ang gulat ko nang dinampian niya ako ng halik sa labi. *heart beats* Nararamdaman ko na naman ang pagkabog ng puso ko. Kabog na siya lang ang nakakagawa. "Deal baby. It's a f*****g deal." sabi niya at hinalikan niya ulit ako sa labi. And I can feel butterflies in my stomach. [KISSES' POV] Nagising na lamang ako nang may naramdaman akong humahalik sa leeg ko habang nakayakap sa 'kin. It's Jameson. "I'm miss you damn so much Kisses." narinig kong sabi niya at naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa tenga ko. Rumihistro sa isip ko ang ginawa namin kanina. Hindi ako makapaniwalang magagawa namin 'to. Nakaramdam ako bigla ng pagsisisi. Bakit ko siya hinayaang gawin 'to? Bakit nagpadala ako sa karupukan ko? *lunok* Hindi ko man lang namalayang napasok na niya ang kinaiingatan kong pearly shell. "Ayos ka lang ba?" narinig kong tanong niya habang hinahalikan pa rin ako sa leeg. "Jameson, ihinto mo 'to. Mali 'tong ginagawa natin." sabi ko sa kanya sabay kumawala sa yakap niya at napaupo sa kama. Pero hindi naman siya nagpatinag at pinulot niya ang dalawang kamay niya sa bewang ko. "Ngayon mo pa talaga sasabihin 'yan pagkatapos nating gawin 'yon?" aniya at mas humigpit ang pagyakap niya sa 'kin. Naramdaman ko ang marahan niyang paghalik sa pisngi at tenga ko. "Pero paano ang career mo? Iningatan mo 'yan ng ilang taon pero bigla na lang 'yon mawawala nang dahil sa 'kin. Hindi kakayanin nang konsensiya ko 'yon." sabi ko sa kanya. "Mahal kita Kisses." aniya at hinarap niya ang mukha ko sa kanya. "Handa na akong harapin ang mga consequences na pwedeng mangyari sa 'kin. Hindi na ako natatakot ngayon. Kaya na kitang ipagtanggol kahit pa sa mga taong sumusuporta sa 'kin. Dahil ngayon ay na-realize kong mas masakit mawalan ng taong minamahal ko." sabi niya. May humaplos sa aking puso dahil do'n. "Mahal na mahal din kita Jameson. Kahit kailan ay hindi nawala ang pagmamahal ko sa 'yo." sabi ko sa kanya. Nakita ko naman ang kasiyahan sa kanyang mukha. "Ako rin. Ikaw pa rin ang nasa puso ko hanggang ngayon." Pagkatapos ay dinampian niya ako ng halik sa labi. "I want Round 2 my love." aniya at siniilan na naman niya ako ng halik. This time ay matagal at may halong pagmamahal. Tumugon naman ako at naulit na naman ang pangyayaring ginawa namin kanina. [RAFAELA'S POV] - MALL - Pinagtitinginan kami ng mga tao sa mall lalo na si Lance. May ilang natatawa. Mayroon ding namamangha sa kagandahan niya lalo na ang mga lalaki. Masyadong perpekto ang mukha niya kaya bagay din sa kanyang maging babae. Yung katawan lang talaga niya ang hindi bagay. Masyadong panglalaki. Pero infairness, hindi na rin halatang lalaki siya. Ang galing ng make up stylist niya. "Saan mo gustong unang pumunta Dalancy?" may halong asar kong tanong sa kanya. "Ikaw na bahala kung saan." masungit niyang sagot. "Ano ulit sabi mo?" kunwaring may halong inis ang pagkakasabi ko no'n. "I mean ikaw na ang bahala girl kung saan?" boses babae na niyang sagot. Nakangiting tumango ako at nagpipigil na tumawa. Ang laptrip ng itsura niya. "Hi miss." May lumapit naman sa aming dalawang gwapong lalaki. Halatang hindi sila pinoy. Nakatingin sila pareho kay Lance. Mas pinigilan ko ang pagtawa. Pero inisnob lang ni Lance ang dalawang lalaki. Ang taray. "Pasensiya na kayo sa kanya. Mahiyain kasi 'yang si Dalancy." sabi ko sa kanila. "Dalancy, what a beautiful name. Just like her face." sabi nung lalaking may balbas habang malagkit na nakatingin kay Lance. "Yeah. Although she's not sexy. She has a beautiful face." sabi naman ng lalaking walang balbas. Malagkit din ang tingin niya kay Lance. Nakita ko naman ang pagngiwi ni Lance. "Sorry boys, but I'm not interested. I'm with my girlfriend." babaeng boses na sabi ni Lance at bigla niya akong inakbayan na ikinagulat ko. "Wait. You're a couple?" tanong ng lalaking may balbas. "They're lesbians." sabi ng lalaking walang balbas. "Nope. I'm a guy." At ganoon na lang gulat ng dalawang foreigner nang magboses-lalaki si Lance. Nakanganga pa nga sila. Napahalakhak tuloy ako. Hinila naman ako papalayo ni Lance. "What the f**k! They're creepy." narinig kong bulong niya. "Anong creepy ka diyan? Hahaha! Ang gwapo kaya nila. Halatang type ka nila. Hahaha!" natatawa kong sabi kay Lance. "Saang banda ang gwapo diyan? I'm more handsome. At saka yuck, hindi ako pumapatol sa lalaki." nandidiring sabi niya. "Pero wow ha. Napaniwala mo ang dalawa na babae ka talaga. At saka tama sila, ang ganda mo kapag babae ka. Nainggit tuloy ako." natatawa ko pa ring sabi. "And I'm expecting more kisses from you baby. Ang hirap maging babae lalo sa suot kong takong. Parang deadly weapon yata 'to." sabi niya na ikinalunok ko. Lagot na naman ang labi ko. Pero infairness, he's a good kisser. Halatang expert siya. Ilang babae na kaya ang nahalikan niya? Teka, bakit ko ba pinupuri ang paghalik ni Lance sa akin? Erase, erase. Ang bad mo Rafaela.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD