Chapter 42

1391 Words
[ELISA'S POV] - THREE DAYS LATER - Hindi ko mapigilang mainis dahil puro si Rafaela ang nasa timeline ng bawat social media ko. "Kainis!" Naitapon ko ang mamahalin kong phone sa inis. Hindi ako makapaniwalang mag-va-viral ang babaeng 'yon hindi lang nationwide kundi worldwide na rin. Aaminin kong magaling siyang sumayaw at kumanta pero mas maganda pa rin ako sa kanya. Pero ang kinakatakot ko lang ay baka agawin niya ang lahat ng pinaghirapan ko. Baka malaos ako dahil sa pag-viral niya. Hindi pwede 'to. Dapat makagawa ako ng paraan para siraan siya. *tok tok tok* Napakunot ang noo ko nang marinig kong may kumatok. Sino naman kaya ang bibisita sa ganitong oras? Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa 'kin si Lance. Nakangiti siya at may dalang wine. "Did I disturb you?" nakangiting tanong niya. Hindi ko rin maiwasang ngumiti. "Nope, hindi naman ako busy. Come inside." I said to him. Pero hindi ko inaasahang bibisita siya sa condo ko. Pagkapasok niya sa loob ay ni-lock ko agad ang pinto at pumunta ako sa kusina para kumuha ng wine glass. "What a nice place you have here." ani Lance habang tinitingnan ang buong paligid ng condo ko. It is his first time to visit me here. Nagiging close na rin kami for the past few days. Syempre tuloy pa rin ang plano ko. "Thanks." ang naging tugon ko. Sa sala kami nag-stay. Nakita kong sinasalin ni Lance ang wine sa dalawang baso. "Bakit ka nga pala napabisita? Do you need help in our latest script?" I asked him. "No, I just want to visit you. Since we've been close for past few days. I want to know you better." he said while still smiling at me. Inabot niya sa 'kin ang isang glass na may wine. Ngumiti rin ako sa kanya. "Really Lance?" sabay inom ko ng wine. Pinatong ni Lance ang kaliwang kamay niya sa kanang balikat ko na nagbigay sa 'kin ng kiliti sa katawan. "Yes." sagot niya at naramdaman ko ang paggalaw ng kaliwang kamay niya which turns me on. "Y-yeah. S-sure." nauutal ko nang sagot. Nagsalin ulit ako ng wine at uminom ulit na mas lalong nagpainit sa katawan ko. "I just realized that you have a beautiful face." he said at naramdaman ko ang pag-angat ng kaliwang kamay niya sa mukha ko. "A-anong gusto mong malaman tungkol sa akin?" I asked. "Everything about you." he said at naramdaman ko ang thumb niya sa labi ko. Hanggang sa hindi ko namalayang siniil na niya ako ng halik sa labi. He's a good kisser. I bet he's good on bed too. "Hey, are you with me?" Bumalik naman ako sa huwisyo nang tapikin ako ni Lance sa balikat. Kissing with him is just my wild imagination. "Y-yeah." sagot ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagngisi niya. "You can start now telling about yourself to me." he said. At nagsimula na akong magkuwento tungkol sa sarili ko. About my hobbies, kung paano ako nakapasok sa showbiz, my likes, he also asked me about my ideal man. Sa tuwing nagkukuwento ako ay sinasalinan niya ako ng wine. Hanggang sa tuluyan na akong mawala sa katinuan. [LANCE'S POV] "Hahahahahahaha!" parang baliw na tumatawa si Elisa kahit wala namang nakakatawa sa sinagot niya. Mukhang lasing na siya. Nang masiguro kong lasing na talaga siya ay kinuha ko na ang maliit na remote sa bulsa ko na kung saan ay ma-re-record ko ang conversation naming dalawa. May suot akong isang kwintas na kung saan ay may maliit itong microphone at pati na rin camera. Naka-connect ito kay Jameson. Gusto naming mahuli si Elisa. May pakiramdam kaming kasabwat niya ang boss ni Jameson na kung saan ay siya ang nagpadala ng itim na sobre kay Rafaela. Siya rin ang B.M. na tinutukoy ni Jameson. Nang mapindot ko na ang remote ay hindi ko muna minadali ang panghuhuli kay Elisa. "Bakit mo pala ako nagustuhan?" I asked her. "Ha? Ano ulit tanong mo?" mukhang lasing na nga siya pero hindi naman masyadong halata. "Anong nagustuhan mo sa 'kin?" I asked her again. "Hmm! Maybe nagustuhan kita because you're attractive. You have beautiful handsome face with kissable lips, matangos ang ilong mo, at maganda rin ang mga mata mo. And also you're hot and popular. Ang mga lalaking kagaya mo ay nababagay sa 'kin." sagot niya na ikinangiwi ko naman. Ang layo-layo talaga niya sa ideal woman ko. I've never liked her. Masyadong famewhore ang babaeng 'to. "Kung papapiliin ka sa aming dalawa ni Jameson, sino ang pipiliin mo?" I asked. "Hahahahaha!" natawa na lang siya bigla. Baliw. "Bakit kailangan ko pang pumili kung pwede ko naman kayong pagsabaying dalawa. That's why threesome exist." Kinilabutan ako bigla sa sinagot niya. She's really crazy. "Kaso masyadong epal ang dalawang babaeng 'yon. Inaagaw nila ang mga lalaking gusto ko." si Elisa. Nagpantig naman ang tenga ko sa sinabi niya. "Ha? Sinong dalawang babaeng tinutukoy mo?" kunwaring nagtatakang tanong ko. "Edi sino pa nga ba. Sina Kisses at Rafaela. Masyado silang epal sa buhay ko. Inaagaw nila ang dapat akin." sagot niya. Baka ikaw mismo ang umaagaw na dapat ay sa kanila. "Gusto ko silang mawala sa landas ko." dagdag pa niya. Dapat ikaw mismo ang mawala sa landas nila. "Kaya nga ako nakipagtulungan sa CEO ng agency ni Jameson para ilagay sa tamang lugar ang dalawang 'yon. Dapat marunong silang lumugar at alam nila ang lugar nila. I'm the queen and they're just a bunch of losers." - Elisa Baka ikaw mismo ang loser. "Porket nag-viral na ang Rafaela na 'yon ay matatalo na niya ako. Kayang-kaya kong manira ng mga taong sumasagabal sa popularity ko gaya ng ginawa ko kay Kisses. Hahahaha! Poor her. Wala nang lugar sa showbiz ang sarili niya." - Elisa Poor you. Ikaw naman mismo ang babagsak soon dahil huli na kita. "Hahahaha! Ngayon ay si Rafaela naman ang pababagsakin ko. Sisiguraduhin kong masisira rin ang pangalan niya sa showbiz at hindi ka mapunta sa kanya. You're only mine Lance lalo na't may nangyari na sa ating dalawa." - Elisa Natigilan naman ako sa huling sinabi niya. Hindi ito ma-proseso ng utak ko. May nangyari talaga sa aming dalawang noong gabing 'yon? *flashback* Two days ago... Nasa isang bar kami ngayon ni Elisa. Inaya niya ako at hindi naman ako makatanggi dahil kailangan ko siyang samahan. "Just drink and relax Lance. Wag muna nating isipin ang trabaho." she said while drinking her hard drink. Wala naman akong nagawa kundi inumin ang inalok niyang alak sa akin. Pero isang glass lang ang ininom ko. Ayokong malasing ulit. Natuto na ako noong nalasing ako sa condo ko. Good thing at sinabi sa akin ni Elisa kanina na walang nangyari sa aming dalawa noong bumisita siya sa condo ko. Aaminin kong napapayag niya akong samahan siya ngayon dahil do'n. Pero wala pang ilang minuto ay nakaramdam na agad ako ng hilo. Ang weird. Isang baso lang naman ang ininom ko. "Hahahahaha! Ang hina mo pala sa alak Lance. Nahihilo ka na agad." Elisa said while laughing. "I-I'm fine Elisa." I said at sumandal ako sa sofa dahil nahihilo na talaga ako. Masyadong hard yata ang inalok niya sa 'kin. Unti-unting nandilim ang paningin ko at nawalan na ako ng malay. *** Ugh! f**k! Ang sakit ng ulo ko. Napabangon akong hawak-hawak ang noo ko. Napansin kong nasa kama na ako at nabalutan ng kumot pero wala akong suot na pang-itaas. Napahiga ako ulit at pumikit. Ang dami ko yatang nainom na alak. Hindi ko na matandaan pa yung mga ibang nangyari at kung paano ako napunta sa kamang 'to. Kinapa ko ang gilid ko para hanapin ang damit ko pero may nakapa akong malambot at parang balat ng tao. Teka. Bumangon ako at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ang katabi ko. Si Elisa. Si Elisa na tulog at wala ring suot na damit at kumot lang ang tanging nakatakip sa kanya. Fuck! A-anong nagawa ko? Wala akong matandaan. Anong nangyari? M-may nangyari ba sa aming dalawa? H-hindi. Imposibleng may nangyari sa aming dalawa. Imposible talaga. May suot pa rin naman akong pang-ibaba kaya imposible. Dahan-dahan akong bumangon sa kama at sinigurado kong hindi magising si Elisa. Agad akong nagbihis at umalis sa kwarto ng motel. *end of flashback* H-hindi. Hindi pwedeng may nangyari sa aming dalawa. Anong gagawin ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD