Pagkauwi namin sa Laguna ay hindi ko na ulit nakita pa si Lance. Kasama na niya ngayon ang babaeng para talaga sa kanya. Kahit masakit ay kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Isang araw lang kami doon sa Palawan imbes na tatlong araw. Siguro ay na-miss na niya si Elisa kaya hindi siya makatiis. Ang dami ring nangyari pagkalipas ng maraming araw. Nagka-amnesia pala si Jameson kaya hindi niya maalala ang ilang pangyayari sa buhay niya. Pero buti na lang at hindi niya nakalimutan ang feelings niya kay Kisses. Masaya na rin ang buhay pag-ibig nilang dalawa lalo na't magkaka-baby na silang dalawa. Buti pa sila. Sana all. Ako naman ay tinutok ko ang aking sarili sa pag-aaral at pati na rin sa idol career ko. Ilang buwan na lang ay ga-graduate na rin ako sa college. Medyo nakakalimutan ko

