[RAFAELA'S POV]
"Gawin mong boyfriend mo si Lance Jerold Kim." sabi sa 'kin ni Jameson my loves na ikinalaki ng mga mata ko.
"ANO?!" hindi makapaniwalang sabi ko. Napatingin tuloy sa 'min ang mga tao.
"Gawin mong boyfriend mo si Lance." pabulong niyang sabi.
Seryoso ba siya sa pinapagawa niya?
Hinintay kong magsabi siya ng 'Just kidding' pero wala akong narinig mula sa kanya. Hindi siya nagbibiro sa sinabi niya.
"Alam mo na ba ang kumakalat na issue na nagde-date sina Lance at Elisa?" tanong niya sa 'kin. Alam na pala siya. Malamang kalat na yun sa buong Pilipinas.
"Nabasa ko sa f*******: ang tungkol sa kanila. Si Elisa pa nga mismo ang nag-confirm." sagot ko kay Jameson.
"Fake ang news na yun." aniya.
"Fake news? Paano mo naman nasabi yan?" nagtatakang tanong ko.
"Dahil kilala ko si Elisa. Ginawa niya lang yun for her popularity. Kapag kinalat niyang may relasyon sila ng lalaking 'yon ay dadami ang fans niya." sagot niya. Ay grabe naman 'tong si Elisa. Parang uhaw siya sa atensyon. Hindi ako makapaniwalang ganyan pala siya.
"So hindi totoong sila?" tanong ko.
"Yeah. That's why I need you to be in a relationship with him para hindi niya ako ipagpalit sa mukhang paa-ng yun-este kay Lance. Hindi pwedeng mabuwag ang loveteam naming dalawa hanggang sa matapos ang kontrata ko." aniya.
Ewan ko pero parang nasaktan ako sa sinabi niya. Parang pinamimigay niya ako sa iba. Ano pa ba ang magagawa ko? Hanggang fan lang niya ako. Kapag matapos man 'to at mag-wish ako sa kanya na to be my boyfriend. Wala pa ring silbi dahil hindi naman mutual ang feelings naming dalawa. Baka mapilitan lang siyang gawin 'yon dahil may utang na loob siya sa 'kin. Pero tanggap ko namang gusto niya si Elisa kahit masakit sa 'kin.
"Papayag ka ba sa ipapagawa ko?" tanong ni Jameson.
Umiling naman ako. Ayoko ngang maging boyfriend yang lalaking yan. I still hate him no matter what dahil rival siya ng idol ko.
"I already expect that. May magagawa ba ako para pumayag ka? What do you want? Ibibigay ko sa 'yo kahit ano." sabi niya. Ito na ang pagkakataon ko para sabihin sa kanya kung ano talaga ang gusto ko.
Huminga ako nang malalim. Kaya mo 'to Rafaela. Lakasan mo ang loob mo.
"I want you to date me." diretsahang sabi ko sa kanya.
"Ha? Date you?" gulat niyang sabi.
Tumango ako. "Gusto kita Jameson." pag-co-confess ko.
Natahimik naman siya sa sinabi ko. Halatang hindi siya makapaniwala.
"Kaya mo bang ibigay yun?" I asked him. Pero base pa lang sa reaksyon niya ay alam kong tatanggi siya sa sinabi ko. Malamang Rafaela, sino bang artista ang magkakagusto sa 'kin? Ordinaryong tao lang ako. Yung mga tipo nila ay kagaya rin nilang sikat.
Pero nagulat ako nang ngumiti siya sa 'kin.
"Iyon ba ang gusto mo? Why not? I can be your boyfriend." aniya. Bahala na kung bukal ba ang sinabi niyang iyon o hindi. Ang mahalaga sa 'kin ay maging boyfriend ko siya kahit ilang months lang. Inaamin kong katangahan 'tong gagawin ko but I am also desperate. I really like him a lot.
"But in one condition." dagdag niya.
"Anong kondisyon?" tanong ko.
"Syempre walang pwedeng makaalam na may relasyon tayong dalawa. Maliban sa masisira ang pangalan ko sa showbiz ay baka maraming manakit sa 'yo kapag kumalat ito. Ayokong madamay ka nang dahil sa 'kin." aniya.
Palihim naman akong napangiti. Concern siya sa 'kin. Hihihihi!
"So pumapayag ka na?" tanong niya sa 'kin.
Tatanggi pa ba ako?
"Sige, pumapayag na ako." sabi ko sa kanya. Hindi na 'to accidentally na pumayag ako. Pumapayag talaga ako.
*kriiinnnnngggggggg!*
Tumunog naman ang phone ko. May tumatawag. Siguro si Kuya Rafael 'to. Hindi kasi ako nagpaalam sa kanya kanina. Baka nag-aalala na yun sa 'kin.
Kinuha ko ang phone ko sa aking purse.
***
Kisses
calling...
***
Si Kisses pala.
I answered the call.
"Hello Kisses? Napatawag ka?" tanong ko sa kanya. Nakita ko namang kumunot ang noo ni Jameson.
("Hello friend. Where are you right now? Pinuntahan ka namin ni Lance sa house mo pero walang sumasagot.") - Kisses
"Pumunta kayo ni Lance sa bahay ko? Nandito ako ngayon sa coffee shop. May kasama ako." sagot ko sa kanya sabay tingin ulit kay Jameson.
May pinakita naman sa 'kin si Jameson mula sa kanyang phone.
'I loud speaker mo phone mo.' iyon ang nakasulat sa phone niya.
Kahit nagtataka ako ay sinunod ko naman siya.
("Hello? Andyan ka pa ba?") - Kisses
"Ah oo nandito pa ako." sagot ko.
("Sayang, mukhang busy ka yata. Gusto sana kitang ayain sa mall kasama si Lance.") - Kisses
May pinakita na naman sa 'kin si Jameson sa kanyang phone.
'Samahan mo silang dalawa sa mall. Ito na ang pagkakataon mong gawin ang sinasabi ko.'
"Sige, pupunta ako diyan. Abangan niyo na lang ako sa may food court." sabi ko kay Kisses.
("Talaga? Pupunta ka? Ayieee! Excited na rito si Lance na makita ka. Na-mi-miss ka na raw niya.") - Kisses
"Sira! Kung anu-anong pinagsasabi mo tungkol sa aming dalawa. Okay, on the way na ako."
("Okay friend.") - Kisses
*toot toot toot*
"Ihahatid na kita do'n sa mall." sabi sa 'kin ni Jameson.
"Hindi na kailangan. Sasakay na lang ako ng jeep papunta ro'n." pagtanggi ko sa alok niya. Syempre nahihiya pa rin ako kahit na boyfriend ko na siya.
"No, I insist. You're my girlfriend now. It's my responsibility to drive you and keep you safe." - Jameson
Kinilig naman ako sa sinabi niya. Kinakareer niya ang pagiging boyfriend niya sa akin.
"S-sige." pagsang-ayon ko. Nagiging marupok na naman ako.
Lumabas na kaming dalawa sa coffee shop at pumunta sa parking area.
Nang makasakay na kami sa kotse niya ay nagmaneho na si Jameson papuntang mall.
***
"Thank you nga pala sa paghatid sa 'kin dito." sabi ko kay Jameson nang makarating kami sa tapat ng mall.
I was about to open the door nang hinawakan ni Jameson ang left arm ko.
"Sandali." pagpigil niya sa 'kin kaya napalingon ako sa kanya.
*tsup*
*shock*
OH--EM--GEE TO THE HIGHEST LEVEL!
Did he just kissed me?
Sa cheeks lang yun pero parang lumabas yata ang kaluluwa ko sa gulat.
"Remember what I said earlier, baby." then he winked at me.
Pakiramdam ko ay matutunaw na ako. Tinawag pa niya akong baby. Hihihihi!
"O-okay." ang naging tugon ko.
"Sige na. Puntahan mo na sila." aniya.
Lumabas na ako sa kotse niya at pumasok na sa loob ng mall.
Nang makarating na ako sa food court ay hinanap ko agad sila.
"Rafaela! We're here." narinig ko ang boses ni Kisses.
Napatingin naman ako sa kinaroroonan nila at nakita ko sina Kisses at Lance na naka-disguise.
Agad ko naman silang nilapitan.
"You're just on time friend." sabi sa 'kin ni Kisses.
"Teka, ano pala ang gagawin natin rito?" tanong ko sa kanila.
"Ano pa ba edi mag-eenjoy." sagot ni Kisses. "Pero bago muna yan. Kain muna tayo sa Shakeys."
Nang makarating kami sa Shakeys ay naghanap kami ni Kisses ng vacant table habang si Lance naman ay nasa counter para umorder.
"Friend, banyo muna ako." sabi sa 'kin ni Kisses.
Tumango naman ako at mag-isa na lang ako rito sa table namin.
"Where's Kisses?" tanong sa 'kin ni Lance nang makarating na siya sa table dala ang mga pagkaing inorder namin.
"Nasa banyo siya ngayon." wala sa mood kong sagot.
"Are you alright Rafaela? Parang ang tamlay mo kasi." tanong niya sa 'kin. Nag-aalala ba siya?
"Okay lang ako." sagot ko sa kanya. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang first move ko para jowain siya. Ang hirap naman kasi ng pinapagawa sa 'kin ni Jameson.
Ilang minuto ang nakalipas ay wala pa rin si Kisses. Nilalamig na nga 'tong pagkain namin kaya inumpishan na naming kumain ni Lance kahit wala pa siya.
*kriiinnngggggggggggg!*
Tumunog naman ang phone ni Lance. May tumatawag sa phone niya.
"Hello Kisses. Nasaan ka na ba?" - Lance
Si Kisses pala ang tumawag sa kanya. Ang tagal naman siya sa banyo. Baka natatae siguro siya.
"Gano'n ba? Sige sasamahan ko siya rito." sabi ni Lance at binaba na niya ang phone niya.
"Anong sabi ni Kisses?" tanong ko sa kanya.
"May emergency sa bahay nila kaya umuwi na siya. Ewan ko lang kung nagsasabi siya ng totoo." sagot sa 'kin ni Lance.
What the--