[RAFAELA'S POV]
"Totoo bang kayo ni Lance Jerold Kim?"
"Kailan nagsimula ang lihim niyong relasyon?"
"Paano kayo nagkakilalang dalawa?"
"Is he a good kisser?"
"May abs ba siya?"
Sunod-sunod na tanong sa 'kin ng mga co-trainees ko.
Pagkarating ko pa lang dito sa WP Entertainment ay na-hot seat agad ako. Nalaman din ng mga co-trainees ko ang kumalat na issue tungkol sa 'ming dalawa ni Lance. Akalain mong umabot din sa kanila yung issue. Malamang Rafaela, kalat na kalat na nga sa buong mundo kaya aabot din yun sa kanila.
"Hehehehe!" medyo tumawa lang ako dahil wala akong maisagot. Alangan namang sabihin ko agad sa kanila na 'oo'. Baka ipagkalat pa nila.
"Tigilan niyo na siya guys. May tamang panahon para masagot yang mga katanungan niyo." suway ni Kisses sa kanila.
"Ay ang damot mo naman."
"Akala ko ba friends tayo."
"Sige, hihintayin namin yang tamang panahon."
Buti na lang at nandito si Kisses para pigilan at suwayin sila.
"Thanks." tipid kong sabi sa kanya. Pero hindi niya ako sinagot.
Napatingin tuloy ako kay Kisses at nakita kong nakayuko siya. Two days ko nang napapansin siyang ganyan. Hindi ko alam kung bakit. Sa tuwing tinatanong ko siya 'kung okay lang siya' ay 'oo' naman ang sinasagot niya. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala sa kanya.
Pakiramdam ko talaga ay may problema siya.
***
Pagkatapos ng dance training namin ay ramdam ko pa rin ang coldness ni Kisses sa amin. Hindi ko na 'to kayang tiisin pa.
Agad kong nilapitan si Kisses.
"I-ikaw pala Rafaela. Andyan ka pala. Sabay na tayong maglunch." aniya.
"Ayos ka lang ba talaga Kisses." nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"O-oo n-naman. A-ayos l-lang ako." nauutal niyang sagot.
It's obvious that she's lying.
"Kisses, kaibigan mo rin ako. Kung ano man ang problema mo, you can tell me." sabi ko sa kanya.
"A-ayos l-lang t-talaga ako R-rafaela." nauutal na naman niyang sagot.
Napailing ako.
"I can see in your eyes that you're not okay. Something is not good on you. May nangyari ba?" tanong ko kay Kisses.
Pero hindi siya sumagot.
"You can tell me. Kung gusto mong umiyak, ipapahiram ko sa 'yo ang isa kong balikat para sandalan mo." sabi ko sa kanya.
Nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Kisses at narinig ko ang paghagulgol niya.
"A-akala ko... m-magiging maayos na ang lahat... A-akala ko kapag n-nag-quit na ako sa p-pagiging actress ko... m-mawawala na 't-tong nararamdaman ko... P-pero k-kahit wala na ako sa s-showbiz... p-pakiramdam ko ay i-isa pa rin akong napakaloser." narinig kong sabi niya habang umiiyak.
Parang may humaplos bigla sa aking puso at nakaramdam ako ng awa sa kanya. Kahit hindi ko nakita ang pinagdadaanan niya dati noong nasa showbiz pa siya ay alam ko naman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.
Hindi niya siguro tanggap hanggang ngayon ang pagbagsak niya. Noon kasi ay sikat na sikat siya at saksi ko ang tambalan nila noon ni Jameson my loves. Pero ang lahat ng iyon ay nagbago nang pumasok sa eksena si Elisa. I'm not blaming Elisa though pero dahil sa pagpasok niya sa showbiz ay biglang gumuho ang career ni Kisses.
Sa totoo lang, gusto kong mainis sa babaeng yun. Pero noong nakilala ko siya at pinagtanggol niya ako sa mga babaeng umaapi sa 'kin ay nagbago bigla ang pananaw ko sa kanya. Iba siya sa inaakala ko, mabait naman pala siya. Walang rason para mainis ako kay Elisa.
"Iiyak mo lang yan Kisses. Ilabas mo lahat ang nararamdaman mo. Nandito lang ako para makinig." pag-co-comfort ko sa kanya at tinapik ko siya sa balikat.
"I love him Rafaela... I love him." aniya habang umiiyak.
Ewan ko pero bakit parang kinabahan ako sa sinabi niya?
She's loving someone.
"H-hindi naging k-kami... B-but he c-courted me." - Kisses
May isang taong pumasok sa isip ko. Pero imposibleng siya yun.
"S-sasagutin ko na s-sana siya that time but..." - Kisses
Napatigil siya sa pagsasalita dahil sa paghagulgol niya.
"B-but he said that he doesn't love me anymore." - Kisses
Ako naman ay mas lalong naawa sa kanya. Hindi niya deserve ang masaktan nang ganito.
"At ngayon, m-masaya na siya sa piling ng iba." - Kisses
Pakiramdam ko pati ako ay nalungkot na sa sitwasyon niya. Mahirap talaga magmahal. Okay lang kung sa kadugo mo at sa kaibigan mo.
Pero pagdating sa pag-ibig, marami talagang pagsubok ang kailangan harapin para sa pagmamahal.
May masasaktan, may sasaya.
May magkakatuluyan, may magpaparaya.
May pang-habangbuhay, may panandalian lamang.
Ganyan ang pag-ibig.
"B-bakit kailangan kong maranasan ang ganito? B-bakit niya ako p-pinaasa? May nagawa ba akong mali para maranasan ko 'to?" naiiyak niyang tanong.
"H-hindi Kisses. Wala kang ginawang mali. Everything has a reason remember that." sagot ko sa kanya.
"Alam mo ba Rafaela? Dahil sa kanya ay naging masaya ulit ako. Simula noong nakipaghiwalay sa 'kin ang ex-boyfriend ko na nasa States ay dumating siya sa buhay ko. Noong una ay hindi naging maganda ang first encounter namin. Pero habang tumatagal ay unti-unti kaming naging close lalo na noong pumasok kami sa showbiz." pagkukuwento niya.
Dahil sa sinabi niya ay napatigil ako.
Posibleng siya yun.
"Dahil sa kanya ay natuto ulit akong umibig. Sobrang saya ko nga dahil naka-loveteam ko siya ilang taon." - Kisses
Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig.
Si Jameson.
Siya ang tinutukoy niya.
Mahal niya pa rin si Jameson hanggang ngagyon.
"Pero ngayon na wala na kami. I mean wala namang naging kami. Pakiramdam ko ay ayoko na ulit umibig pa." sabi niya.
Hindi ko naman mapigilang ma-guilty dahil do'n.
Hindi niya alam na boyfriend ko na ngayon ang lalaking mahal niya.
Pakiramdam ko ay napakasama kong kaibigan.
Kung alam ko lang...
Sana pinigilan ko na lang ang pagiging marupok ko sa kanya.
Pero huli na.
"Pasensiya na kung nabasa ko ang damit mo. Ang dami ko pa lang nailabas na luha." sabi niya.
"A-ayos lang." nauutal ko namang tugon.
Nanghina ako sa lahat ng narinig ko mula kay Kisses.
"Pero salamat dahil nailabas ko lahat ang mga saloobin ko. Maliban kay Lance ay isa ka rin sa tinuturing kong kaibigan." aniya.
Mas lalo tuloy akong na-guilty.
Bakit kailangan pa magkaganito ang sitwasyon namin?
Ganito ba talaga ang tadhana?
Naglunch kaming dalawa sa Jollibee. Pero galing McDo ang kinakain namin ngayon. Nag-take out muna kami do'n bago pumunta rito.
Parehong BTS Meal ang inorder naming dalawa.
*katahimikan*
Tahimik lang kami kumakain.
Wala ni-isa sa 'min ang nagsalita.
Apektado pa rin kaming dalawa na nangyari kanya. Lalong-lalo na ako.
*kriiiinnnngggggggggggg!*
Tumunog naman ang phone ko. Kinuha ko ito sa purse ko at tinignan ang pangalan ng caller sa screen.
***
Jameson my loves
calling...
***
Hindi ko mapigilang mapapikit nang makita ko ang pangalan ng caller.
Bakit kasi kailangang siya pa?