Chapter 30

1102 Words
[RAFAELA'S POV] Nakarating kami sa condo ni Lance. "You will be safe here." narinig kong sabi ni Lance. "Ayos ka lang ba Rafaela? May masakit ba sa... Oh my gosh! You're bleeding!" biglang napasigaw si Kisses. Nakita kong lumuhod si Lance at tiningnan ang kaliwang paa ko. Napatingin din ako at nakita kong may sugat ako do'n. Hindi ko man lang namalayan. "Kukunin ko lang ang first aid kit." sabi ni Lance. "Kainis! Sino kaya ang nagpakalat ng picture na 'yon?" inis na sabi ni Kisses. Hindi naman ako nagsalita. Ilang saglit lang ay bumalik na si Lance dala ang first aid kit. At sinimulan na niyang linisin ang sugat ko. "A-aray!" napasigaw ako bigla. Ang hapdi kasi. "Konting tiis lang Rafaela." narinig kong sabi niya. Napahawak naman ako sa kamay ni Kisses. Ang hapdi talaga. Pagkatapos niyang linisin ang sugat ko ay nilagyan niya ito ng ointment at sunod ang paglagay ng band aid na malaki ang size. "I hope gumaling agad yang sugat mo." sabi niya. *shock* AT HINALIKAN NIYA ANG IBABAW NG BAND AID NA NASA SUGAT KO. *heart beats* "Kyaaaaa! Ang sweet naman." kinikilig na sabi ni Kisses. Hindi ko alam pero bakit ganito ang nararamdaman ko? [KISSES' POV] Hindi ko mapigilang maawa sa sitwasyon ngayon ni Rafaela. She doesn't deserve this. Sirang-sira na ang pangalan niya sa social media dahil sa mga negatibong komento laban sa kanya. *crying* Sino kaya ang nagpakalat ng issue na 'yon? "Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Lance kay Rafaela. Tumango lang si Rafaela. "Wag kang mag-alala. Gagawin ko ang lahat para maayos ang issue na 'to. Malalagot din sa 'kin ang nagpakalat ng issue na 'yon." sabi ni Lance kay Rafaela. "T-talaga?" si Rafaela. Tumango naman si Lance. "Lilinisin ko ang pangalan mo at papatunayan kong misunderstanding lang ang lahat." aniya. "Tama si Lance. Nandito rin ako para tulungan ka." sabi ko naman kay Rafaela. "Salamat sa inyo. At pasensiya na Lance kung nadamay ka sa issue ko." - Rafaela "Issue natin. Wag mong sarilihin ang problema Rafaela. I'm always here to help you kahit anong mangyari. Sa ngayon ay kailangan muna natin mahanap ang main source ng pagkalat ng issue." si Lance. "May ibibigay pala ako sa inyo. Baka makatulong." sabi ni Rafaela at may kinuha siya sa bag niya. Isang itim na envelope. "May nagpadala sa 'kin 'yan noong Sabado." aniya. Tiningnan naman ni Lance ang laman. "B.M.?" ang nabanggit bigla ni Lance. "May kinalaman yan sa pagkalat ng issue. Maliban sa pareho ang kuha ng picture na yan at sa kumalat sa social media ay nagpadala rin siya ng message sa phone ko." pagpapaliwanag ni Rafaela at may pinakita siya kay Lance sa phone. Agad naman akong lumapit kaya para tingnan ito. *shock* At nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Kaparehong-kapareho nga ang hawak na picture ni Lance sa kumalat na picture sa social media. At sino si B.M.? May nakita naman akong sulat na hawak din ni Lance. *** Stay away from Jameson Faulkerson. Or else... - B.M. *** Parang tumigil ang mundo ko dahil sa nabasa ko. Si Jameson? Anong meron kay Jameson at sa B.M. na 'to? Tiningnan ko rin ang screen ng phone ni Rafaela. *** From: Unknown Number Nakita mo na ba ang news feed ng facegram mo? Mas malala pa ang gagawin ko diyan kapag hindi mo nilayuan si Jameson Faulkerson. - B.M. *** Hindi ako makapaniwala sa nabasa ko. "Sana makatulong 'yan." narinig kong sabi ni Rafaela. Kailangan kong makausap si Jameson tungkol dito. Baka may alam siya tungkol dito. [LUCAS' POV] Wow first time! Hehehe! By the way, ako nga pala si Lucas Alexander Kim. Nag-iisang bestfriend ni Rafaela Montebello. At half-brother ko rin ang top actor na si Lance Jerold Kim. Isa ako sa mga heartthrob dito sa Dela Cruz University. Kahit na may pagkababaero ako ay nirerespeto ko pa rin ang mga babae. Unless gusto nila. Hahaha! By the way, hindi ko mapigilang mag-alala para kay Rafaela. Sana makagawa ng paraan si L.J. para maayos ang issue ng bestfriend ko. *sad* "O ba't ganyan ang mukha mo?" "Ay kalabaw!" Nagulat naman ako nang may nagsalita mula sa likod ko. Si Kuya Rafael. "Ikaw pala." ang nasabi ko. "Ayos ka lang ba? Ang pangit mo kasing tingnan." tanong niya na ikinainis ko naman. "Nang-aasar ka ba o nang-iinsulto?" nanlilisik kong tanong sa kanya. "Both." sagot niya na ikinainis ko naman. "Sapak, gusto mo para mas pumanget ka?" sabay pakita ko sa kanya ang kamao mo. "Joke lang pre, hindi ka naman mabiro." at ginulo niya bigla ang buhok ko. "Nga pala, alam mo na ba ang kumalat na issue tungkol sa kapatid mo?" tanong ko sa kanya. "Oo, rinig na rinig ko nga mula sa mga chismosa nating schoolmates." aniya. "At wala ka namang gagawin para tulungan siya?" ako. "Syempre gusto kong may gawin ako. Pero bahala na ang kapatid mong umayos sa issue. Siya lang naman ang may kapangyarihang kontrolin ang media." si Kuya Rafael. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa sinabi niya. "Ha? Kapatid?" kunot noo kong tanong. "Si Lance. Kapatid mo siya, 'di ba? Alam kong siya si L.J." sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko. Alam niyang si Lance at L.J. ay iisa? [JAMESON'S POV] Halos sumakit na ang ulo ko dahil sa kumalat na issue tungkol sa 'min nina Rafaela at Lance. Parati na lang ganito ang buhay ko. Kailan ba ako magkakaroon ng sariling kalayaan? Pero hindi ko mapigilang mag-alala kay Rafaela. Siya ang pinag-uusapan ngayon sa social media at halos lahat ng comments sa kanya ay hindi maganda. I feel bad for her. Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Where is she now? I hope she's fine. *krriiiiiiiinnnnnnngggg!* Nabuhayan naman ako bigla nang tumunog ang phone ko. Baka si Rafaela na 'yon. Pero nanlumo ako bigla nang hindi siya 'yon. It's my manager. Sigurado akong magagalit na naman siya sa 'kin dahil sa kumalat na issue. Sinagot ko yung tawag. "Hello." tipid kong sabi. ("Kailangan mong pumunta rito sa agency Jameson. Pinapatawag ka ni boss.") narinig kong sabi ng manager ko. Pinapatawag ako ni boss? "Okay, I'll be there in 10 minutes." sabi ko lang sa kanya at binaba ko na ang phone. Bakit kaya niya ako pinapatawag? Bihira ko lang siya nakakausap sa kanyang opisina. Siya ang founder ng agency na nagmamanage sa akin. Hindi kaya nagsumbong ang manager ko dahil sa kumalat na issue? Imposible. Hindi gano'n ang manager ko kahit na naiinis siya sa 'kin kapag nasasangkot ako sa mga issue. Baka may pag-uusapan lang kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD