[RAFAELA'S POV]
"Kyaaaaa! Lucas baby!"
"Ang pogi mo talaga!"
"Ako naman ang gawin mong next girlfriend Lucas baby."
Kainis! Dahil sa pagyakap sa 'kin ni Lance kahapon ay napuyat na naman ako.
"Hi Lucas babe. Are you free tonight?"
"Sorry girls pero ako ang nauna sa kanya kaya he's mine."
"No, he's mine."
Hindi na nga mawala sa isip ko ang mga sinabi sa 'kin ni Kisses noong Sabado tapos dumagdag pa 'tong si Lance.
"Lucas pre, pumapatol ka rin ba sa lalaki?"
"Baka naman pre."
"Oo nga pre, bigyan kita ng wanpayb everyday."
Waaaaa! Bakit niya kaya ako niyakap? Bakit gano'n ang epekto nito sa puso ko?
"Rafaela, halika na. Ang creepy ng mga estudyante dito."
Hindi kaya...
Imposibleng mangyari yan. Si Jameson pa rin ang gusto ko.
"Rafaela!"
"Ay Lance!"
Napasigaw ako bigla nang tinawag ako ni Lucas gamit ang malakas niyang boses.
"L-lucas, a-andyan ka pala." ang nasabi ko bigla.
"Malamang, ako kaya ang nagsundo sa 'yo mula sa bahay niyo." tugon niya sa 'kin kaya natigilan ako.
"Oo nga pala." napahiyang sabi ko sa kanya.
Ano ba ang nangyayari sa 'yo Rafaela?
"Ayos ka lang ba Rafaela? Kanina ko pa kasi napapansing wala ka sa sarili mo. Tinawag mo nga akong Lance eh nung tinawag kita." - Lucas
*shock*
Nanlaki naman ang mga ko dahil do'n.
Tinawag ko ba talaga siyang Lance?
Ba't hindi ko maalala?
"May nangyari ba Rafaela?" narinig kong tanong ni Lucas.
*shock*
"W-wala." pagsisinungaling ko.
"Weh!" - Lucas
"W-wala nga."
Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang nangyari kahapon. At isa pa, hindi naman niya kilala si Lance kaya walang dahilan para sabihin ko yun kay Lucas.
"Are you dating someone?" tanong niya sa 'kin.
*shock*
"W-wala." pagsisinungaling ko ulit.
"Ba't ka nauutal?" - Lucas
*pikit*
Ang kulit talaga ng lalaking 'to.
"Wala nga sabi!" naiinis ko nang sabi sa kanya.
Hindi pa niya alam ang tungkol sa 'min ni Jameson. Syempre, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya dahil bawal. At isa pa, baka hindi maniwala sa 'kin si Lucas at tawagin pa niya akong ilusyunada.
"Ay galit ka? Pero buti naman kung gano'n. Wag ha." aniya.
Napakunot naman ang noo ko.
"Ha? bakit naman?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Kasi gusto kita eh." seryosong aniya sabay tingin sa 'kin.
*shock*
Nagulat ako sa sinabi niya. Sobrang nanlaki ang mga mata ko na baka anytime lumuwa na ito.
"A-anong sabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hahaha! Joke lang. Ang bilis mo namang maniwala." - Lucas
Napalitan ng tawa ang seryoso niyang mukha nang sinabi niya 'yon.
Feeling ko ay nanlilisik na ang mga mata ko pagkatapos niyang sabihin iyon.
"LUCAS ALEXANDER KIM!"
Pinalo ko nga siya nang pinalo. Ang lakas ng trip niya. Gulat na gulat pa naman ako. Muntik pa ako maniwala eh.
"Sorry na Rafaela. Huhuhu! Hindi ka naman mabiro." sabi niya habang ginagawa niyang shield ang dalawang kamay niya.
"Baliw ka talaga! Hindi magandang biro yan." galit kong sabi sa kanya at tumigil na ako sa pagpalo sa kanya.
"Sorry na nga eh." nakanguso pa niyang sabi. "At saka naka-reserve ka na sa kapatid ko kaya hindi na pwede."
*shock*
Natigilan naman ako sa sinabi niya.
"Anong sabi mo?" tanong ko kay Lucas kahit narinig ko naman ang sinabi niya.
"Wala. Tara na nga sa walang taong lugar. Ang creepy ng mga estudyante dito lalo na yung mga bayot." sabi niya sabay hila sa 'kin.
Dahil sa sinabi ni Lucas ay bigla tuloy pumasok sa isip ko yung half-brother niya.
Kumusta na kaya yun? Once ko lang kasi nakita ang kapatid ni Lucas. At hindi pa naging maganda ang first impression ko sa kanya dahil ang bata bata pa lang niya ay napakamanyakis na niya.
Haaay! Nag-flashback tuloy sa isip ko ang mga pangyayaring iyon.
*flashback (13 years ago)*
"Mama? Papa? Saan po tayo pupunta?" narinig kong tanong ni Kuya Rafael.
"Sa isang birthday party, anak. Sigurado akong magugustuhan niyo do'n. Marami kayong makakalarong mga bata lalo na sina Lucas at L.J." sagot ni Mama kay Kuya Rafael.
"Ha? Lucas at L.J.? Sino po sila Mama?" tanong ko.
"Basta. Makikilala niyo sila mamaya." sagot lang sa 'min ni Papa.
Nakarating kami sa isang napakalaking bahay.
Wow! Bahay ba 'to o castle? Ang laki laki kasi at ang ganda pa. Para akong nasa fairytale lang.
"Good afternoon Ma'am and Sir. Can I see your invitation please?" tanong sa 'min ng isang babae na nagbabantay sa may entrance ng castle.
"Ah eto po." sabi ni Mama at pinakita niya sa babae ang invitation.
"This way po Ma'am." sabi ng babae at pinapasok na kami sa loob ng castle.
Pagkapasok namin sa loob ay halos mapanganga ako dahil sa laki at ganda ng buong paligid nito. Pakiramdam ko ay nasa fairytale land kami dahil sa dami ng naka-costume na iba't ibang fairytale characters. Kaya pala ganito ang suot namin.
"Pre!"
May lumapit sa aming isang lalaki na ka-edad ni Papa at dalawang bata na halos magkahawig na.
"Buti nakapunta kayo sa birthday nina Lucas at L.J." sabi ng lalaki sabay baling ang atensyon nito sa dalawang batang kasama niya. "Say hi to them kids."
"Hello po." bati ng isang batang lalaki na malapad ang ngiti.
Yung isang bata naman ay umirap lang sa amin. Halatang suplado.
"Hello din sa 'yo Lucas. Happy birthday pala sa inyo ng kapatid mong si L.J." sabi ni Mama sa Lucas na iyon.
"Eto nga pala ang gift namin sa inyo. Sana magustuhan niyo." sabi ni Papa sabay abot sa kanila ang gift namin para sa birthday celebrant.
Sinamahan kami ng lalaki sa may play area kung saang maraming batang invited na naglalaro do'n.
"O siya, iiwanan ko na sa mga anak niyo sina Lucas at L.J. Don't be shy to play with them kids." sabi ng lalaki.
"Kayo namang dalawa ay behave kayo. Maglaro lang kayo at wag kayong mang-aaway ng mga bata." sabi sa 'min ni Papa.
Tumango lang kami ni Kuya Rafael.
Pagkatapos ay umalis na sila kasama ang lalaking iyon. Bale naiwan kami ni Kuya Rafael kasama ang dalawang batang 'to.
"Hello sa inyo. Ako nga pala si Lucas. At siya naman si L.J. Ano nga pala ang pangalan niyo?" masayang pagpapakilala ng Lucas na iyon. Buti pa 'to masiyahin. Yung kapatid niya masungit. Dinaig pa niya ang ipis sa pagiging tahimik niya.
"Ako nga pala si Rafaela. At eto naman ang Kuya Rafael ko." pagpapakilala ko naman.
"Hello sa inyo. Masaya akong makilala ko kayo." sabi ni Lucas na hindi pa rin nawawala ang ngiti niya. Buti hindi siya nangangawit.
"Halika na Lucas. 'Di ba sabi ng mga Mama natin na don't talk to strangers." masungit na sabi ng kapatid niya. Napatingin tuloy ako nang masama sa kanya. Ito yata yung L.J.
"Mama mo lang ang nagsabi sa 'tin yun L.J. At isa pa, alam na natin ang pangalan nila kaya hindi na sila strangers." tugon ni Lucas sa L.J. na iyon.
Napatingin naman sa 'kin yung L.J. Parang natigilan siya nang makita niya ako. Siguro dahil tinitingnan ko siya ng masama kaya ganyan ang reaksyon niya.
"A-anong t-tinitingin-tingin mo d-dyan?" nauutal pa niyang sabi.
Hmp! Sungit.
Sinamahan kami ni Lucas sa kwarto nila. Doon daw kasi kami maglalaro dahil tahimik daw do'n.
"Wow!" manghang sabi ni Kuya Rafael habang tinitingnan ang buong kwarto. "Mas malaki pa 'to sa bahay natin Rafaela."
"Ano ang lalaruin natin?" tanong ni Lucas.
Napaisip naman ako.
*isip*
*isip*
*isip*
*ting!* Alam ko na!
"Maglaro tayo ng bahay-bahayan." suggestion ko sa kanila.
"Bahay-bahayan? What's that?" tanong ni Lucas.
"Parang ganito lang. Kunwari ako ang nanay tapos ikaw ang tatay." pagpapaliwanag ko.
"Woah woah woah! Sinong nagsabi sa 'yong siya ang tatay? Ako dapat ang tatay." pagkontra ni Kuya Rafael sa sinabi ko.
"Pero 'di ba magkapatid kayo?" nagtatakang tanong ni Lucas.
"Oo nga pero laro lang naman 'to kaya ako dapat ang tatay." sabi ni Kuya Rafael.
"Hindi pwede, ako dapat ang tatay. Gusto kong maging asawa si Rafaela." nakanguso pang pangongontra ni Lucas sa sinabi ni Kuya.
"Ilan taon ka na ba?" - Kuya Rafael to Lucas
"8." - Lucas to Kuya Rafael
"9 ako kaya ako ang tatay." - Kuya Rafael to Lucas
"Pero sabi ni Rafaela ako ang tatay kaya ako dapat ang tatay." - Lucas to Kuya Rafael
"Tss. Korni." narinig kong bulong ni Sungit.
"Teka, teka. Ako na ang pipili kung sino sa inyo ang tatay at magiging asawa ko." sabi ko saka pumikit ako. Ginamit ko ang kaliwang kamay ko bilang takip sa aking mga mata habang ang kanang kamay naman ay panturo sa magiging tatay o asawa ko.
Then umikot ako.
*ikot*
*ikot*
*ikot*
*stop*
Pagkatanggal ko sa aking kaliwang kamay at pagmulat ko, nagulat ako nang makita kong nakaturo sa batang masungit na yun ang hintuturo ng kanang kamay ko. Kita ko rin ang pagkagulat niya.
"Ikaw ang tatay L.J." sabi ni Lucas sa kapatid niya.
"Tss. Sinong may sabi sa inyong kasali ako?" masungit na sabi ni L.J.
"Ang KJ naman ng kapatid mo Lucas." narinig kong sabi ni Kuya Rafael.
"Bawal ang hindi ka sumali L.J. Isusumbong kita kay Daddy." sabi ni Lucas sa kapatid niya.
"Tss." - L.J.
Ginamit namin ang mga bagay na meron sa kwarto nila para makagawa kami ng bahay-bahayan.
"Wow! First time kong maglaro nito." masaya at excited na sabi ni Lucas.
"Teka, ano nga pala kami ni Lucas?" tanong bigla ni Kuya Rafael.
Oo nga noh.
Napaisip naman ako.
*isip*
*isip*
*isip*
*ting!*
"Alam ko na! Anak namin kayo ni L.J. Ikaw ang Kuya tapos bunsong kapatid mo si Lucas." sabi ko kay Kuya.
"Sige po Mama." tugon ni Kuya Rafael at lumapit siya kay Lucas.
At nagsimula na kaming maglaro.
"Mga anak, gising na." ako yan habang naghahanda ng pagkaing kinuha namin sa party.
Lumabas sina Lucas at Kuya Rafael sa kwartu-kwartuhan nila.
"Good morning Mom and Dad." bati ni Lucas sa 'min ni L.J.
"Good morning Mama at Papa." bati naman ni Kuya Rafael.
"Good morning din sa inyo. Kain na kayo. May pasok pa kayo sa school." sabi ko sa kanila habang nilalagyan ko ng pagkain ang plato nila.
"Mom, Dad, 4 lang po ako sa exam namin kahapon sa Math over 100." sabi ni Lucas habang kumakain.
"Wow very good! Buti naman at hindi line of seven ang score mo. Dahil diyan may sticker ka sa 'kin." sabi ko at dinikitan ko si Lucas ng sticker sa may braso niya na ang disenyo ay si Patrick Star.
"Wow! Thank you Mom. Mas lalo ko pa pong gagalingan ang pag-aaral." masayang sabi ni Lucas.
Napatingin naman ako kay Kuya Rafael. "Ikaw? Ilan ang score mo sa exam?"
Nakita kong ngumisi siya. "Ako pa ba Mama? Naka-79 lang naman ako over 100. Matalino yata 'to." mayabang niyang sagot.
"Anooooo? Bakit line of seven ang score mo? Hindi ka siguro nag-aral no at puro cellphone lang ang inaatupag mo!" galit kong sabi sa kanya.
Nag-iba bigla ang expression ng mukha ni Kuya at napalitan ito ng takot.
"M-mama." - Kuya Rafael
Kinuha ko naman ang ruler na nasa mesa.
"Dahil diyan may palo ka sa 'kin!" sigaw ko at nilapitan ko si Kuya para paluin sana siya pero agad siyang nakatayo at tumakbo.
"Papasok na po ako." sabi pa niya at pumasok siya sa isang silid. Banyo yata nila.
"Papasok na rin po ako Mom." sabi naman ni Lucas at magalang na nagpaalam sa akin. Pumasok din siya sa loob ng banyo kasama si Kuya Rafael.
Ako na lang ang naiwang mag-isa dito. Inilagay ko ang pinagkainan nila sa isang baul which is ang pinakalababo. At nagsimula na akong maglinis.
*linis*
*linis*
*linis*
Habang naglilinis ako...
*shock*
Nagulat na lamang ako nang may yumakap sa 'kin mula sa likod.
Si L.J.
"Solo na kita ngayon, hon." sabi niya at...
*shock*
Hinalikan niya ako sa may pisngi ko.
*end of flashback*
Napailing ako bigla nang maalala ko ang mga pangyayaring iyon. Feeling ko ay na-trauma ako that time na makita ulit siya. Buti na lang at nangibang bansa na siya kasama ang parents niya. Pero nalungkot din ako kay Lucas at sa Mama niya nang mawalay sa kanila ang haligi ng tahanan nila. Hindi kasi sila ang legal na pamilya. Nabuntis lang ng tatay niya ang nanay niya kaya ganyan ang sitwasyon nila.
Nang makarating kami sa tahimik na lugar which is the playground ay umupo kami ni Lucas sa may swings. Walang mga bata rito dahil may klase pa sila. Mamaya pa sila maglalaro rito.
Napatingin naman ako kay Lucas at nakita ko siyang nakasimangot.
Bakit malungkot siya?