[RAFAELA'S POV] Kinabukasan ay nagising ako at agad na napangiti sa mahigpit na yakap sa akin ni Lance. Tinitigan ko ang malalim niyang pagkakahimbing. Hindi ko mapigilang mapangiti lalo na nang maalala ko ang ginawa namin kagabi. Hindi ko pinagsisihang ginawa namin 'yon. Ayos lang sa akin kung magbunga man ang ginawa namin. Mahal na mahal namin ang isa't isa. Masaya akong siya ang nakauna sa akin at magiging huli na rin. Kumilos ako at kakasalasin ko sana ang braso niya upang makawala ako ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang magmulat siya at pagkunutan ako ng noo. "Where are you going, baby?" nagtataka niyang tanong. Napangiti ako. "Magluluto sana ako ng breakfast." Napalitan naman ang pagtataka niyang mukha. "For me?" may kinang sa mga mata niyang tanong. "Para sa atin." sagot

