[RAFAELA'S POV]
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan nang makita ko ang galit na mukha ni Jameson my loves. Nakaramdam tuloy ako bigla ng kaba dahil do'n.
"Sinong may sabi sa 'yong pakialaman mo ang mga gamit ko?" - Jameson
Napalunok ako nang marinig ko ulit ang boses niya. Waaa! Galit nga siya.
"P-pasensiya n-na my loves--este Jameson. G-gusto k-ko lang l-libutin ang c-condo mo d-dahil ang t-tagal m-mo k-kasi." nauutal kong sabi dahil sa takot. Kahit na sa sitwasyong 'to ay nagiging marupok pa rin ang bibig ko. Ayaw makisama.
"Ayoko sa lahat ay ang mga taong pakialamera." seryoso niyang sabi.
Napalunok na naman ako dahil do'n.
"P-pasensiya na t-talaga." nauutal kong sabi. Dapat pala nag-stay na lang ako sa couch. Huhuhu!
"Pero papalampasin ko muna 'to since first time mo pa lang dito. Sa mga susunod na araw, kapag nakita ulit kitang nangingialam sa mga gamit ko..." - Jameson
Nagulat ako nang bigla niya akong hapitin sa may bewang ko.
*shock*
Waaa! Magkalapit na ang mukha naming dalawa. Ramdam na ramdam ko ang hininga niyang parang mint sa bango. Halo-halong emosyon ang nararamdam ko sa ginawa niya. Isa na do'n ang kilig at... takot.
Inilapit ni Jameson my loves ang bibig niya sa kanang tenga ko at may binulong siya. "Ipapatikim ko sa 'yo kung paano ako magbigay ng parusa."
Bigla na naman akong napalunok dahil do'n. Ang lalim ng boses niya. Tapos ramdam ko pa ang hininga niya. Mas nakaramdam tuloy ako ng takot.
Binitawan na niya ako pero nando'n pa rin ang kabang nararamdaman ko. "Follow me." sabi niya at tinalikuran na niya ako. Ngayon ko lang napansing naka-bathrobe lang siya. Mukhang bagong ligo siya. Kaya pala amoy mint ang hininga niya.
Pero nakahinga na ako nang maluwag nang tinalikuran na niya ako. Akala ko I'm dead na. Okay tandaan Rafaela, 'wag nang pakialaman pa ang mga gamit ng my loves ko. Bad impression tuloy ang unang tingin niya sa 'kin.
***
Nandito kami ngayon ni Jameson my loves sa sala ng condo niya. Naka-upo ako sa couch habang siya naman ay sa sofa. Nakayuko lang ako habang hinihintay siyang magsalita. Ayokong gumawa ng first move dahil baka magkaroon na naman ako ng bad impression.
"Kaya kita dinala rito dahil nakita kitang kasama mo sina Kisses at Lance sa restobar kanina." pagpapaliwanag niya.
Tumango lang ako sa sinabi niya. Pero ano naman ang pakialam niya kung kasama ko sila?
"Dahil close mo silang dalawa, may ipapagawa ako sa 'yo." - Jameson
Napatingin naman ako sa sinabi niya. "Ha? Anong ipapagawa?" nagtatakang tanong ko.
"Let's just say magiging spy ka. Gusto ko ay manmanan mo ang mga kilos nila at sabihin mo sa 'kin ang lahat ng nalalaman mo." sagot sa 'kin ni Jameson my loves.
"Ha? Manmanan silang dalawa? Hindi ba't parang mali yun?" sabi ko sa kanya. Para kasing pinapakialaman ko ang privacy nila kapag ginawa ko ang sinabi niya. Kahit na idol ko siya ay hindi ko susundin ang sinabi niya.
"Well I understand what you said Miss ah... Ano nga pala ang pangalan mo?" he asked.
"Rafaela." I answered.
"Rafaela. But I really need your help." - Jameson
"Wait lang. Bakit mo 'to ginagawa? At saka ano ang mapapala ko kapag sinunod kita?" tanong ko sa kanya. Nagbabakasakali lang naman.
"It's a long story. At kapag ginawa mo 'to, I can give you what you want. You want a car, a house, a big money. I can give give you myself if you want to." - Jameson
Bigla namang nangislap ang mga mata sa offers niya lalo na yung sa huli. Waaa! Ibibigay daw niya ang sarili niya kapag sinunod ko siya. Paano niya nabasa ang nasa isip ko?
"I will only give that to you if you do what I say successfully." dagdag pa niya.
Biglang nag-50:50 ang desisyon ko. Kapag ginawa ko 'to, makukuha ko nga ang gusto ko pero parang binubulgar ko naman silang dalawa kay Jameson. Pero kapag hindi ko 'to ginawa, parang nirerespeto ko ang privacy nilang dalawa. Pero yung last offer niya. Huhuhu!"
"Nakapagdesisyon ka na ba?" tanong niya ulit sa 'kin.
Nag-isip muna ako sandali. Mali yung ginagawa ni Jameson kaya hindi ko susundin yung ipinapagawa niya sa 'kin. Ayokong mag-cause ng trouble sa pagitan nilang tatlong. At saka kung ano man ang meron sa kanila, labas na ako do'n. Bakit kailangan pa niya akong idamay? Minus points tuloy siya para sa 'kin.
"Sige, pumapayag na ako." ang nasabi ko bigla.
Napahawak naman ako sa bibig ko dahil do'n. Punyeta! Nakapag-desisyon na akong tumanggi pero yung bibig ko... Ang rupok ko talaga.
"Great. Here's my phone. I-type mo na lang ang number mo diyan para matawagan kita anytime." sabay abot niya sa 'kin ang phone niya.
Kinuha ko naman iyon at tinype ko ang number ko.
"I am expecting that everytime I call, you will have answers when I ask you questions about them." sabi pa niya. Recitation lang ang peg.
Tumango na lang ako. Wala nang atrasan 'to. Pahamak din minsan 'tong pagiging marupok ko eh. Hindi naman ako ganito dati. Sa kanya lang talaga ako nagiging ganito.
***
Pagkauwi ko sa bahay ay binuhos ko na ang mga luha ko sa aking kwarto. Feeling ko nga basa na ang kama ko dahil sa kakaiyak.
"Waaaaa! Ba't kasi ang malas ko ngayon?" ang sigaw ko habang umiiyak. Bukod sa nalaman ko kasing first kiss ko si Lance Jerold Kim na yun, ay pumayag pa ako sa favor ni Jameson my loves na maging spy nina Kisses at Lance kahit alam kong mali yun. Tapos idagdag pa na nagkaroon ako ng bad impression sa first meet pa lang namin ng idol ko. Huhuhu! Hindi ko man lang nagpahandaan ang araw na 'to.
"Anong inaarte-arte mo dyan my 'lil sister? Daig mo pa ang megaphone kung makaiyak ka diyan. Dinig na dinig ko nga sa kwarto ko ang pagsigaw mo." narinig kong sabi ni Kuya Rafael. Isa pa 'tong asungot sa buhay ko.
"Wala kang pakialam. Kahit sabihin ko naman sa 'yo ay hindi mo rin maiintindihan." sagot ko kay Kuya habang umiiyak pa rin.
Naramdaman kong humiga si Kuya Rafael sa kama ko at niyakap niya ako mula sa likod. "Kung ano man ang problema mo o pinagdadaanan mo ngayon. Lagi mong tatandaang nandito lang ako palagi para sa 'yo."
Humarap naman ako kay Kuya Rafael habang nakahiga at niyakap ko rin siya. "Waaa! Salamat Kuya. Kahit na inaasar mo ako palagi ay nandito ka parati para damayan ako." sabi ko sa kanya. Dahil sa ginawa niya ay medyo gumagaan na ang pakiramdam ko.
"Ginagawa ko 'to bilang nakakatandang kapatid mo. Kaya 'wag ka nang umiyak dahil mas lalo kang papangit niyan." sabi niya kaya napasimangot ako bigla.
"Nakakainis ka talaga Kuya kahit kelan!" sabay pout ko.
Pero masaya ako na may isa akong Kuya na nagmamahal sa 'kin. Kahit na isa siyang asungot sa buhay ko dahil sa pang-aasar niya ay mahal ko pa rin siya bilang Kuya ko.
[JAMESON'S POV]
Habang nagbibihis ako ay tumawag naman sa 'kin ang manager ko.
"Hello manager." ang naging sagot ko lang sa kanya.
("Ano Jameson, may solusyon ka na ba?") tanong niya sa 'kin. Tinutukoy ni manager ang pag-resolba sa problema niya tungkol sa interview ni Elisa na ideal guy raw nito ang mukhang paa-ng Lance na yun.
"Meron na kaya wala ka na dapat ikabahala pa." sagot ko sa kanya.
("Mabuti naman. Just make sure na successful yang naisip mo.") sabi niya.
Pagkatapos ng pag-uusap naming dalawa ay itinapon ko ang phone ko sa kama. Konting tiis na lang Jameson ay makakawala ka na sa kanila. Kapag nangyari yun ay magiging masaya ka na ulit kasama siya.