Ngayon ay araw na ng fiesta sa probinsya nila neon . Abala ang lahat ng kamaganak at kapit bahay nito para sa pag hahanda ng mga lulutuin . Kahapon palang ay dumating na ang Ilan sa mga pinsan ng mama ni neon pati na rin ang mga pamangkin nito. Tumulong rin sila Danica at xyrus sa pag aasikaso na ngayon lang nila mararanasan. Balak nilang ganapin ang salo salo sa Paraiso ngunit malayo layo ito at mahihirapan sila sa pag tawid ng mga pag kain . At hinde sila doon pwedeng magluto dahil ayaw ng mama ni neon.
" Mamaya ay masayawan dyan sa malaking bakuran !". - Sabi ng mama ni neon kala xyrus
" Party po ba tita ?". - tanong ni xyrus dahil mahilig ito sa party dahil na miss na nya ang bar nila
" Oo pre pero ang tugtog pang probinsya at lahat pati Bata at matanda ay mag sasayaw .". - paliwanag ni neon sa kaibigan
" Ahhh .. budots ba? hahahah". - Sabi ni Danica
" Parang ganon na nga " -Sabi ni neon naranasan nya na lasi ito noong syang bata pa talagang lahat ay sasayaw para mag saya sa fiesta.
Tanghali ng matapos ang lahat ng lutuing ihahanda sa fiesta . Kung tutuusin ay kahapon pa sila nag tutulong mag katay at maghiwa ng Ilan sa mga rekado . Pero ngayon lang natapos ang lahat sa pag luluto nito. Tumulong sila sa pag aayos ng handa sa mahabang lamesa at kanya kanya na silang gayak.
"Mamaya ay may parada din iikot sila hanggang bayan ". - Sabi ng pinsan ni neon na si Tyla na kasing edad din nila neon . Agad nakasundo nila xyrus at Danica ang Ilan sa kamaganak nila neon dahil hinde naman mahirap pakisamahan ang mga ito.
" Neon anakkk!". - tawag ng mama ni neon mukang may iuutos na naman ito
" Manghuli nga kayo ng manok don sa farm para lutuin muka kasing kukulangin tayo sa manok !" - utos ng mama ni neon
" Mama andami dami ng handa ! ". - pag rereklamo ni neon dahil tinatamad itong pumunta sa farm
" Kulang pa yon! Isama mo si xyrus !'". - Sabi ni neon dahilan para makaisip sya ng kalokohan
" Sige Ma !".
Pumunta na si Neon kung saan naroroon si xyrus kausap nito ang kapit bahay na manginginom na si Mang itoy .Mapagbiro ito kaya't malayo palang ay kitang kita na nya ang muka ni xyrus na tawa ng tawa .
" Pre uutusan ka daw ni mama !". - Sabi ni neon
" Oh tutuy malaki kana pala ! Siguro ay may asawa kana ?". - Sabi ni Mang itoy at tawa ng tawa naman si xyrus dahil ngayon nya lang narinig na tawagin si neon ng tutuy .
" Wala pa po mang itoy !". - sagot ni neon
" Hahahaha bakit naman tutuy ang tawag mo sa kanya ?". - tanong ni xyrus kay Mang itoy
" Pre kase ganyan yu----" hinde pinatapos ni Mang itoy ang sasabihin ni neon
" Kase nga nung Bata pa yang si tutuy ay laging nakahubo ! Kaya kita lagi ang pututuy hahaha dahil maliit ang kanyang pututuy kaya tutuy hahaha !". - paliwanag ni Mang itoy dahilan para mapahagakpak ng tawa si xyrus at ganon na din si neon .
" Si Mang itoy talaga ngayon malaki na ang aking pututuy hahahaha". - pabirong sabi ni neon.
" Abat nanjan pa kayo diba pinapakuha ko kayo ng manok !". - sigaw ng mama ni neon
" Huli ka balbon ! Te claudiaaa ! Sabi nila ayaw nilang kumuha !". - pag sisinungaling ni Mang itoy
Dali Dali naman umalis sila neon at xyrus habang tawa ng tawa papunta sa farm . Nakarating na sila sa farm at nakatakip na naman ng ilong sy xyrus dahil ayaw nito ang Amoy ng ipot ng mga Manok at sisiw.
" Pre sabi ni mama Ikaw ang manghuli nyan ! Kailangan daw yon dahil bisita ka pamahiin dito !". - pagsisinungaling ni neon dahil alam nya na mahihirapan ang kaibigan
" Kailangan ba talaga yon? Ilan daw kailangan kong hulihin pre ? Ang alam ko hinde na uso ang pamahiin ngayon !". - Seryosong sabi ni xyrus pero sa loob loob nito ay kinakabahan na sya dahil ngayon lang sya manghuhuli ng Manok samantalang si neon ay natatawa na ngunit pinipigilan nya ito
" Mga tatlo pre ! ". - Sabi ni neon at umupo sa upuan na kahoy at kumuyakoy
" Hinde mo ako tutulungan pre ? Pano ko huhulihin ang tatlo?". - tanong ni xyrus
" Ikaw lang dapat pre kapag nahuli mo ako na mag tatali ng paaa !". - Sabi ni neon
Nag simula ng manghuli si xyrus hinabol habol nya ito ngunit tinutuka sya nito samantalang tawa naman ng tawa si neon habang pinapa panood sya .
" Aray ! Gag*ng manok to! Gagawin kitang fried chicken kapag hinde ka nag pahuli ! Preee nagsisise na akong sumama dito !". - Sabi ni xyrus at tawa ng tawa si neon .
Matapos na mahuli ni xyrus ang mga manok ay tinali ni neon ang paa nito para mabilis bitbitin ni xyrus . Pagod na pagod si xyrus sa pag huli dito dahil nag mamadali din ito gawa ng lulutuin pa ito. Pag balik nila ng bahay ay marami ng bisita ang dumating at ang iba ay kumakain na ng mga handa .
" Tita eto na po yung manok. Ako lahat ang humuli nyan sabi po kase ni neon na kailangan bisita daw dapat po ang humuli dahil sa pamahiin .". - Sabi ni xyrus at si neon ay nasa labas at kausap si Mang itoy
" Ano ? Hindi ! Sya ang inutusan ko sabi ko isama kalang para may katuwang sya ! Pamahiin edi lahat dapat ng bisita dito pinahuli ko ng Manok ! Hahaha nako naloko ka ng kaibigan mo ".
Kamot ng ulo si xyrus dahil tama ang mama ni neon hinde nya naisip na marami palang bisita ngayon at hinde lamang sya. Naisahan sya ng kaibigan kaya pala hinde sya sinamahan para dalin sa mama nito.
" Hahahahahah ayan na si bubuy ! ". - Sabi ni Mang itoy na nagbigay na ng palayaw kay xyrus bilang bubuy
" Bubuy HAHAHAHA ! " - tawa ni neon
" G*go ka pre ! Hinde naman pala pamahiin yon pinahirapan mo ako ! Lakas ng trip mo !". - Sabi ni xyrus
" Alam mo bubuy okay lang yan parte yan ng buhay hahahaha". - pang aasar ni Mang itoy
Kumain na ang lahat ng bisita ang mga handang nakalagay sa lamesa . Si Danica ay nag enjoy kasama ang ibang pinsan ni neon kabilang si Tyla. Ilang muto lang ay dumaan na ang parada at manghang mangha ang lahat ng bisita dahil sa magagarang at makukulay na kasuotan ng mga ito. Manghang mangha din ang mag kakaibigan sa kakaibang fiesta ang meron ang probinsya nila neon. Mga bandang hapon ay nag handa na nang mga alak ang mga kalalakihan at Ilan sa nag iinom na kababaihan . Ngayon lang din makakainom si xyrus nang alak na iniinom sa probinsya tulad ng mga tuba . Nagsimula nadin buksan ang party lights at tugtugan tulad ng budots . Kaya't lahat ay nagkakasiyahan at puro tawanan .
" Taraaa mag sayaw kayo !". - Yaya ng mga Tito ni neon sa kanila nila xyrus at budots nag tugtog . Hinila sila nito sa gitna ng bakuran para makisabay sa sayawan.
Tut turuut turuttt !
Tawa ng tawa si Danica dahil ngayon nya lang nakita ang kasintahan na sumayaw ng ganon na parang pang matandang sayaw. Videohan nya ang kasintahan at si neon sa pag sasayaw ng mga ito. Kasama nilang sumasayaw si Mang itoy .
" Pababa ! Pataas ! Giling bubuy at tutuy hahaha ". - turo ni Mang itoy . Tila Wala nang hiya ang dalawang mag kaibigan dahil den siguro sa epekto ng alak na kanilang iniinom .
Nang mapagod na ay pumasok na sa bahay si neon at xyrus para magpahinga sa kwarto . Maya Maya pay lumabas si neon para kumain dahil nakaramdam ito ng gutom. Hinanap nya ang kanyang Ina dahil kanina nya pa ito hinde nakikita . Wala sa sayawan ang Ina kaya't hinanap nya ito sa likod bakuran . Pag kita nya dito ay may kausap na lalaki . Nagtago muna sya para marinig ang usapan nila .
" Sinabi ko naman sayo na huwag kang pupunta dito baka makita tayo ng anak ko!". - Sabi ng mama ni neon
" Pasensya kana ilang linggo kana kasing walang paramdam saken . Gusto lang naman kitang makita .". - Sabi ng kausap na lalaki ng kanyang Ina
" Umalis kana please !".
Unti unting lumapit si neon at Wala syang pakealam kung makita na sya ng mga ito . Gusto nya kasing malaman kung sino ang kausap ng kanyang Ina. Habang papalapit ay bumibilis ang t***k ng puso nya sa kabang nararamdaman .
"Neon?". - napansin na sya ng Ina nito
" PAPA?!". - Sabi ni neon at agad na tumakbo pag kakita sya dito . Nasasaktan si neon dahil alam nyang inabanduna sila ng kanyang ama ngunit ngayon ay kasama ng kanyang Ina . Hinde maisip ni neon na makikita nyang muli ang ama dahil may sarili na itong pamilya .
Agad pumasok ng kwarto si neon at napahilamos ng kanyang muka .
" Bakit pre ? ". - tanong ni xyrus
" Umuwi na tayo pre ngayon na !". - Sabi ni neon dahil ayaw nyang makita ang kanyang ama at naiines sya sa kanyang Ina dahil sa ginawang pag tatago nito sa kanya .
" Bakit pre ? Wait sasabihin ko lang kay tita !"
" Huwag mo ng sabihin ... Lalagay ko na tong ibang gamit sa kotse ..".
Kinuha ni neon ang mga maleta nila . At ang ibang damit ay pinag lalagay nya dito . Pati na rin ang maleta ni Danica ay kinuha nya sa kwarto nang kanyang Ina. Pag labas nya ng bahay ay nakatingin lahat sa kanila ang bisita at mga kamag anak nila .
" Anak ! Please huwag ka munang umalis !". - Sabi ng kanyang Ina at hinawakan sya sa balikat at tinanggal nya iyon
Sumakay na sya ng kotse dahil nakuha nya na ang lahat ng gamit nila xyrus at Danica maging ang mga maleta nya ang iniwan nya ay ang mga pasalubong nya Sana naibibigay nya Sana bago sya umuwi . Dumating na rin si xyrus at Hila Hila nito si Danica . Habang ang kanyang Ina ay nasa labas ng kotse na umiiyak . Nakita nya si Danica na yumakap dito ganon na din si xyrus at tuluyan ng pumasok sa kotse .
" Ano bang problema mo neon? At umiiyak si tita?". ,- ines na sabi ni Danica dahil aawa sya sa Ina ni neon
" Let's go xyrus !". - Sabi ni neon kay xyrus at tuluyan ng pinaandar ang kotse
" Oo nga pre ano bang problema ? Kapag lasing pre wag ilagay sa ulo ang alak !". ,Sabi ni xyrus iniisip na dahil ito sa apekto ng alak
" Nakita ko si papa kausap ni mama !". - Sabi ni neon
"What ?".