Papasok na ako sa campus pero hinde parin maalis sa isip ko ang panaginip na sobrang linaw pa sa relasyon namin ni Mimosa. Hinihiling ko na sana ay totoo nalang ito . Ang nakakatawa pa ay napaihi pa ako sa mismong short ko mabuti ay wala sila mama kung hinde baka pagalitan ako. Epekto siguro ito ng pag kikita namin ni mimosa kahapon , talagang hinde malilimutan na napaka ganda nya at ang mga ngiti nya . Neon mag focus ka mamaya sa laro mo dapat ang isip mo ay sa try out mo sa basketball hinde lang dapat kay mimosa.
" Oh pre late kana! ". - Sabi ni xyrus sabay hagis saken ng jersey na susuotin ko sa practice para sa pag hahanda mamaya sa laban . Dahil mag try out kami para malaman kung sino ang mag lalaban laban sa friday
" Hheheh nalate ako ng gising pre ! ".
Pumunta na ako sa Cr para mag bihis ng aking jersey dahil nag hihintay na sila xyrus sa court . Pag labas ko nakasalubong ko si Danica at naka leggings silang lahat ng mga classmate nya .
" O neon mukang late kana ! ". - Sabi ni Danica
" Ahh oo nga e ! Sa Ikaw ba sa cheerdance kasali pati sa volleyball?" - tanong ko sa kanya dahil dalawang sports ang sinasalihan nya.
" Pati den s MIMOSA ksali sa cheerdance , representative kami ng section namin !". - talagang diniin ang pangalanni mimosa para pang aasar saken na kahapon lang ay pinagseselosan nya .
Pumunta na akong court at nag practice na kami para sa try out mamaya . Walang representative samen sa cheer dance dahil puro kami lalaki sa room kaya sa basketball kami babawi . Yung iba ay sa chess kaya't intrams ang pinaka masayang araw para samen . Mabuti ay halos lahat sa campus ay nakikilahok kaya't mas lalong masaya . Naka ilang rounds kami at pumunta muna kami sa classroom para mag pahinga .
" Pre punta lang ako sa room ni Danica . Sama kaba sakin?". - tanong saken ni xyrus alam nya na gusto kong makita si mimosa kaso ayokong ma distract para mamaya at Maalala ko naman ang aking panaginip.
" Hinde na pre dito muna ako sa room... Hintayin nalang kita dito ,"
" Ayaw mo bang makita si Mimosa balita ko kasale sya sa Mrs intrams hahaha ". - Sabi nito na may halong pang aasar
" Hinde na muna pre para maka pag focus ako mamaya sa laro . "
" Ayaw mo non pre sya ang inspiration mo hahaha". - pang aasar pa nito kung alam nya lang na na didistrac ako dahil sa panaginip ko . Ayokong pag isipan sya ng maduming bagay na isip ko lang naman ang may gawa. Na guilty tuloy ako dahil may malisya ang naging panaginip ko sa kanya .
" Umalis kana pre basta ..". - Sabi ko habang umalis ay tumatawa pa ito . Ang lakas talaga mangasar ng Gago .
Tinaas ko ang aking paa sa isang upuan ang sarap Talaga ng hangin dito .
"Neon !". - papikit na sana ako ngunit tinawag ako ni sir
" Bakit po sir ?".
" Absent si Daruis Ikaw nalang ang sumali sa Mr intrams !" - biglang napa sapo ako sa ulo ko dahil Wala naman akong alam sa ganyan . Hinde ko nga alam kung pano rumampa tapos magpapogi .
" Eh sir hinde ko alam kase yong gagawin don sa stage !"
" Rarampa kalang Naman don neon , tapos question and answer . Kailangan kaseng may representative sa section naten kase Wala na tayo sa cheerdance kailangan daw meron saten. Kahit Wala daw partner na babae .". - sabi ni sir aminado Naman akong gwapo naman ako pero hinde talaga ako nasale sa ganyang bagay .
" Eh sir kung si xyrus nalang kaya !". - hahaha tama si xyrus para lalong mag selos si Danica dahil kasali si Mimosa.
" Hinde pwede sya kase Kasali sya sa spoken poetry !".
" Sir hinde Naman buwanang wika ngayon !".
" Yun ang nasa program . Tataasan ko lahat ng grade mo kapag pumayag ka !". - Sabi ni sir abat nakipag negotiation para lang sumali ako. Sasali na ako kung tataasan nya yung grade ko matutuwa si mama saken panigurado.
" Sige na ngasir sasali na ako !".
"Mag start ang practice ng Mr and Mrs intrams mamaya . Tuturuan kaya ni miss Angeles para sa pag rampa nyo . Mga 2 pm pumunta kana don sa may stage .". - paliwanag nito , ibig sabihin makikita ko si Mimosa mamaya dapat mag try out muna kame bago mag practice.
" Sir ano ba mauuna try out o practice sa Mr intrams ?"
" Hinde ko alam e . Pero alam ko yung try out ng basketball ".
" Sige sir salamat. "
Lumabas ako ng classroom at Nakita ko na busy ang lahat sa pag practice para sa intrams . Nakita ko sa field si xyrus at chinicheer si Danica . Dahil try out din ngayon ni Danica sa voleybal. Masaya ako na masaya na silang dalawa at natapos na ang problema nila pati na den Ang problema ko sa kanila. Hinde ko akalain na mapapatawad ako ni xyrus sa nagawa ko. Hinde ko na gustong malaman pa kung anong dahilan nila kung bakit nangyare Ang lahat ng yon dahil kita naman sa kanila na ayaw nilang sabihin saken. Ang mahalaga ay tapos na ang problema.
Makalipas ang ilang oras...
" Pre hahahaha talagang mag Mr. intrams ka ?". - tawa ni Xyrus saken dahil hinde sya makapaniwala na pumayag ako sa kagustuhan ni sir.
" Tataasan grade ko pre matutuwa si mama kapag tumaas yung grade ko . Dapat nga Ikaw yun e hahahhaa para magselos ulit si Danica !". - Sabi ko sa kanya , habang hinihintay namin ang laban ng ibang section
" Kasali ako sa spoken poetry pre . Hinde pede dahil magkasunod lang yung poetry at yung Mr and Mrs intrams . Gusto ko kasing itula yung pagmamaha ko Kay Danica oh Danica aking iniibig !". - umaksyon pa ito na hinahawakan ang kanyang puso . Ang corny talaga ng kaibigan ko
" Hinde bagay pre hahahaa ". - pangaasar ko
Kami na ang sumunod na mag try out . Kaya't naghanda na kmi. Pag katapos namin maghanda ay pumesto na kami ang kalaban namin ay ang section nila Mimosa. 6 na lalaki sa section nila , 2 ay tunay na lalaki ang 4 ay bakla kaya't hinde kami magiging masaya sa laban dahil hinde Naman marurunong maglaro ang mga ito. Beauty care Ang strands nila Mimosa kaya impossibleng may pipili na lalaki sa strands na yon . Yung dalawang lalaki na naligaw sa section nila ay dahil puno na lahat sa ibang section kaya't no choice sila.
Nag simula na Ang laban maraming nanonood dahil kakaibang laban . Dahil sa mga pusong babae ang kalaban namin malambot gumalaw at maliligalig pang mag laro. Ngayon ay nasa kanila ang bola kaya't hinahabol namin sila.
" Come to me papa ! " Sabi ng baklang mas makapal pa Ang blush on kesa sa tunay na babae . Pumunta si xyrus sa gawi nya at kinuha ang bola . Mabilis nya itong naagaw dhi hinde Naman ito marunong mag drible. Kinindatan ito ni xyrus at nagtatalon ito sa tuwa.
" Pasensya na kay Danica lang ang puso ko ". - nagtilian Naman ang mga kaklase nila Danica at Mimosa . Nakita ko si Danica na pinag hahampas ng kaibigan . Lumapit ako Kay xyrus para sabihing
" Corny mo pre ! " - Pinasa nya ang bola sa kaklase namin na si zebil at nag lay up ito at nakaunang puntos sa amin.
Ngayon ay nasa kanila ang bola sa isang lalaki ang may hawak nito at pinasa sa bakla at pinasa Naman nito sa lalaki nilang kaklase agad ko itong inagaw at pinasa ko Kay xyrus at naka puntos na naman kame . Mabilis kameng nakapuntos sa mga laro namin dahil sa hinde Naman marunong Ang mga kalaban namin sa larong basket ball. At natapos ang laro ng wala kaming kahirap hirap .
" Nice one pre pasok na tayo ! " - Sabi ko Kay xyrus
" Hahahah kindatan mo lang naman talagang matatalo sila " - biro nito at biglang lumapit si Danica para punasa ng pawis si xyrus .
" Ehem baka langgamin . ". - biro ko
Papalapit Naman sa gawi namin ang mga kaklase ni Danica kabilang ang mga baklang nakalaban namin. Pansin ko ay kanina pa Wala si Mimosa.
" Mga pogi congrats !". - Sabi ng baklang mkapal ang blush on
" Sayang sis ang effort dapat sa volleyball nalang Tayo! Kasi Naman si mam pinilit pa tayong sumali dito". - Sabi naman ng baklang payat .
" Ayaw nyo pa non nakahawak naman kayo ng muscle !". - Sabi Naman ni Danica
Umalis na ako at iniwan si xyrus kay Danica dahil alam Kong hinde maman sila mapaghihiwalay na dalawa. Magpapahinga na muna ako para mamaya sa practice ng Mr intrams ay may gana ako .Kanina ko pa napapansin na Wala si Mimosa hinde ko sya makita kahit saan . Dadaan ako sa room nila para tignan kung pumasok ba sya. Pag tingin ko sa room nila ay walang tao kaya pupunta nalang ako sa room para mag pahinga . Pag Kita ko sa room namin ay nandoon sya kausap si sir .
" Oh nariyan ka na pala neon !". - Sabi ni sir
" Kasali kapala sa Mr intrams ?!". - Sabi Naman ni mimosa . Ano kayang ginagawa nya dito sa room?
" hehehe napilitan lang naman ako ". - sabay kamot ko sa ulo dahil totoong pinilit lang ako ni sir
" Si mimosa ang nag lilista ng kasali kaya pinaista na Kita Wala ng atrasan mamaya sa practice nyo ". - dagdag pa ni sir . Nakita Kong ngumiti saken si Mimosa at ang ngiting yon ay nakakatunaw.
To be continued....