Neon's Pov
Nasa stage ngayon si xyrus at Danica... Natutuwa ako dahil masaya na sila ngayon sa kabila ng lahat ng pag subok nila. Talagang maganda ang boses ni xyrus kaya't siguradong ma Inlove na naman si Danica sa kanya. Kaya pala nag yaya ngayon dahil may pakulo sa jowa nya . Mapapasana all nalang talaga ako ...
" One tequila ! ". - Sabi ko sa bartender na si Ivan
"Tignan mo yung bestfriend mo kamailan lang magkaaway sila "
" Huh? Bat mo alam ivan !"
" Hinde ka nila kasama non e nag away yang dalawa dito sa bar ngayon hinde na sila mapaghiwalay hahahah " - siguro noong nakaraang araw na niyaya nila ko
" hahha ako sanay na sa kanila !".
Nagulat ako dahil nakita ko si Mimosa na lumabas galing restroom at hinila ito ng Isang lalaki . Pag kalabas ko ng bar ay bigla silang nawala pero naamoy ko ang pabango nya kaya sinundan ko kung San nanggagalinh ang amoy . Nakita ko na nasa parking sila pero nagtago muna ako sa likod ng kotse. Siguro ay boyfriend iyon ni Mimosa pero nagulat ako dahil sinampal ito ni Mimosa.
" Pwede bang tigilan mo na ako ?!". - sigaw ni mimosa at agad hinila ito ng lalaki . Alam kong nasaktan si Mimosa sa nagawa nyang pag hila . Bigla naman bumuhos ang malakas na ulan . Hinahatak ni mimosa ang kamay nya para makawala sa lalaki . Nang hahatakin ulit ng lalaki ay agad kong sinuntok ito .
" Tigilan mo sya !". - Sigaw ko sa lalaki naka facemask sya at naka shades kaya hinde ko makita kung sino sya . Bigla syang tumakbo ng hahabulin ko na sya ay hinawakan ni mimosa ang kamay ko.
" Hayaan mo na sya neon !". - Sabi nya sa akin at dahil umuulan at basang basa na kami hinila ko sya sa may masisilungan kami.
" Basang basa kana tara humanap Tayo ng malapit na tindahan dito para makapagpalit Tayo ng damit ! ".
Tumakbo kami para sugurin ang malakas na ulan...
Ngunit nagulat ako sa ginawa nya huminto si Mimosa at sa malawak na space ng parking lot ay bigla syang umiyak . Alam ko kahit na tumutulo ang tubig sa kanyang mga muka ay sa likod nito ay Luha . Hinde ko sya nilapitan muna para mailabas nya lahat ng sakit na nararamdaman nya . Hinde ko alam kung anong dahilan ng mga luha nya pero kitang kita kong sobrang bigat nito.
" I hate my f*****g LIFEE !". - Sigaw nito
Ngayon sa likod ng maganda nyang muka maganda nyang katawan . Palaging may nakatagong kalungkutan . Hinde ko alam pero gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman nya . Umupo sya at umiyak ng umiyak sa hanggang mailabas nya sakit ang nararamdaman nya.
The rain is useless when it can hide pain behind it ...
Lumapit ako sa kanya..
" Mimosa lumalakas na ang ulan kailangan na naten magpalit ng damit baka mag kasakit ka !". - nagulat ako dahil hinila nya ang kamay ko at tumakbo kaming dalawa. Hinde naman namin kailangan tumakbo pero Nakita ko na ayaw nyang makita ko ang sakit na tinatago nya kaya hinde ko din pinapakita na naawa ako sa kanya . Pag dating namin sa harap ng bilihan ng damit ay binitawan nya na ang kamay ko at bigla syang humarap sa akin at ngumiti na parang hinde sya umiyak .
" Tara ! ".
Basang basa kaming pareho mabuti ay mabait yung may ari ng store binigyan nya kami ng towel para hinde kami malamigan sa loob ng store dahil air condition ito .
" Pumili ka ng kahit anong gusto mo Mimosa sagot ko na !". - Sabi ko sa kanya
" Hmmm kahit yung susuotin ko lang ngayon . Hinde pa kase ako uuwi neon .". - Sabi nito saken at pumili na den ako pampalet ko na damit at nakapili na den si Mimosa at binayaran ko sa counter. Binalik ko na din yung towel na hiniram naming dalawa . Pinahiram na din nila kami ng payong kaya't wala na kaming problema kung umalis kami na umuulan pa .
" Mimosa gusto mo bang kumain muna tayo !".
" Tara Gusto ko ng Sisig ^_^. " - Sabi ni Mimosa at talagang nagustuhan nya yung sisig sa tapsihan don sa kinainan namin .
" Sisig with pares masarap yon ".
Naglibot kami malapit sa bar kung may kainan na merong sisig at pares pero wala naman kaming mahanapan . Kaya't pumunta nalang kami sa 7/ 11 para kumain ng cup noodles .
"sisig ang hanap naten cup noodles ang bagsak hahaha ". - tawa ni Mimosa
" Next time nalang tayo mag sisig . Anong oras ka uuwi Mimosa ?". - tanong ko sa kanya
" Bakit mo tinatanong?".
"Wala sasamahan sana kita kahit anong oras mo gustong umuwi . ". - Sabi ko dahil baka nalulungkot sya kaya kung gusto nya akong kasama sasamahan ko sya kahit hanggang bukas pa .
" Gusto ko sanang umuwi agad dahil hinde ako comfortable sa undies ko hehehe". - napabuga ako sa kinakain ko dahil sa Sinabi nya .
" Hahahah sorry ". - sabay piece sign ko
" Neon ? Natatandaan mo ba kung kelan tayo nag meet na dalawa ?". - tanong nya saken ang unang pag kakatanda e yung pinayungan ko sya .
"Ah yung pinayungan Kita ? Oo tanda ko pa bakit Mimosa ?".
" Alam mo bang hinde yun ang una nateng pag kikita ? "
Anong ibig sabihin nya e yun lang aman ang natatandaan ko . Baka yung sinasabi nya yung unang araw nya sa campus pero hinde pa naman nya ako nakilala noon .
" Yun lang ang natatandaan ko yung pinayungan kita .".
" Tanda mo ba yung naoperahan ka sa mata?".
Naoperahan ako? Paano nya nalaman yon?
" Huh? Paano mo---". - hinde nya pinatapos ang sasabihin ko
" Yung nakaamoy ka ng bulaklak tulad ng Amoy ng pabango ko!".
Wag mong sabihin sya yung babaeng nakilala ko sa hidden Park ?
" Ahh natatandaan ko na ! Pano ko maalala e hinde ko naman nakita kung sino ka ng araw na yon ?".
" Dapat kilala mo ako neon! dahil yung bulaklak na sinundan mo dahil kasing Amoy nito ay kapareho ng Pabango ko ! ". - sabay Tayo nito at kumuha ng beer sa fridge ng 711 at bumalik sa kinauupuan namin habang nakatanaw kalsada habang umuulan.
" Pasensya na mahirap kaseng tandaan ang Isang Amoy !". - Sabi ko
" Diba may binilin ako na sabihin mo sa lalaking nasa tree house ? Sinabi mo ba yun sa kanya ?". - kanina ay nakatingin sya sa labas ngayon ay tumitig ito sa akin . Siguro ay importante sa kanya ang taong yun
" Ginawa kong sabihin sa kanya pero ----".
" Pero ano??". - abang na abang sya sa sasabihin ko
" Pero tinulak nya ako at sinuntok ng oras na sinabi ko ang pinapasabi mo !". - nagulat sya sa sinabi ko
" Are you telling the truth neon? ". - tanong nya saken at sinisigurado nya na nag sasabe ako ng totoo. Pero hinde ko rin malilimutan ang nangyare sa araw na iyon .
" Anong dahilan ko para mag sinungaling sayo Mimosa !"
FLASHBACK ...
Ito yung araw na hinahanap namin si daddy sa village na to dahil kailangan ni mama ng tulong nya dahil maraming gastusin sa operation sa mata ko . At ito rin na napunta ako sa hidden park kung nasasaan sila Mimosa . Sinundan ko ang Amoy ng Isang bulaklak noon na gusto kong kunin dahil sa kakaibang Amoy nito at hinde ko alam na si Mimosa ang matatagpuan ko. Bago umalis si Mimosa ay nag Sabi sya sa akin ng habilin sa lalaking nasa tree house . Na mag kikita sila sa dating tagpuan at sa parehong oras . Pag kaalis na pag kaalis ni Mimosa ay may naramdaman akong kaluskos kaya't naisip ko na ito na yung lalaking sinasabi ni Mimosa.
"Sino ka ? Ikaw ba yung lalaki na sinasabi ng babae kanina !". - tanong ko
" Oo ako nga ! Narinig ko lahat ng usapan nyong dalawa ! Pwede bang huwag ka nang lalapit sa kanya! ". - nagulat ako sa sinabi ng lalaking kausap sa mga oras na yon dahil Wala naman akong ginagawang masama.
" Narinig mo ba ang pinapasabi nya sayo na magkita kayo sa isang araw ?". - bigla nya akong tinulak
" Sinabi ko huwag kang lalapit sa kanya !".
" Pasensya na pero hinde ko naman intensyon na lapitan sya ... "
Bigla nya akong sinipa . Dahilan para matumba ako sa lupa. Hinde ko alam kung anong dahilan nya para saktan ako . Dahil hinde ko intensyon na lapitan Siya.
" Arayyy! Tama na !!! Wala akong ginagawang masama !". - pag mamakaawa ko para itigil nya ang ginagawang pananakit saakin .
" Hinde ko gusto na bukod saken may lalaking lalapit sa kanya ! ". - sigaw nito sa akin at naramdaman na suntok na Ang binibigay nya sa akin .
" Ano bang nagawa ko Mali ?".
Itinigil na nya ang pananakit sa akin sabay umalis na sya . Hinde ako makatayo dahil sobrang sakit ng buong katawan ko . Mabuti ay may nakakita sa aking babae at tinutulungan nya akong makaalis sa hidden Park.
End of Flashback ...
Kinukwento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyare sa mga oras na yon . Pero parang nalungkot ang mga mata nya sa sinabi ko siguro ay dating karelasyon iyon ni Mimosa .
" Kaya nya pala ...". - bulong nya pero narinig ko ito
To be Continue...