Chapter 2

1650 Words
"Ang sabi nila may isang killer daw ang gumagala noon dito sa lugar natin," pigil hiningang kwento ng isang binata sa kan'yang mga kaklase habang nababalot ang mga ito sa takot. "Nagagalit daw siya kasi tinago daw sa kan'ya 'yong lalaking mahal niya." Nakikinig lamang ang lahat habang nakaupo sa sahig ng classroom nila na binalutan ng itim na kurtina habang nakatirik at nakapalibot ang napakaraming mga kandila. "Dati raw siyang kilala bilang ang babae na pinakamalakas sa ilegal na mundo. Nawala raw 'yong lalaki na dapat ay magiging asawa niya, kaya naman hinahanap niya kung sino ang nagtago o kumuha sa kan'ya. Hanggang sa mabaliw na ito." Kumuha pa ang binatang nagkukwento ng kandila at itinapat ito sa harapan niya. "Sinasabi na 'yong lalaki raw, high school student at iniisa-isa no'ng babaeng nabaliw ang lahat ng estudyante. Isa-isa na rin silang nawawala, at kung makikita man sila, wala na silang buhay at may marka sa kanilang katawan na ekis." "Pero dahil sa paghahanap ng kasagutan, napag alaman na 'yong lalaki na hinahanap niya ay nandoon lang sa kuwarto ng babae, duguan at wala ng buhay dahil sa ekis na sugat, halos pumutol na ito sa katawan niya, ang lalaking hinahanap niya pala... pinatay niya." "Waah!" Habang nangingilabot ang mga lalaking estudyante ay nangibabaw naman ang sigaw ng isang babae na nagtatago sa ilalim ng lamesa. "Ano ba?! Bakit nandito ka na naman?" "Kainis naman! Hilig sumulpot!" "Ang ganda na ng kwentuhan eh!" "Grabe natatakot ako!" Lumabas si Angela sa ilalim ng isang lamesa na pawis na pawis at namumutla. Nakalugay pa ang kan'yang buhok at nakatakip ito sa kan'yang mukha. "Hoy!" Hindi nakatulong ang madilim na kuwarto at nakapalibot na kandila sa itsura niya. Siya ang kinatakutan ng mga estudyante! "Ano ba? Nakakainsulto na kayo ah." Binuksan niya ang ilaw kaya naman napahinga nang maluwag ang mga estudyante niya. "Tara na, tara na! ayusin na natin 'yong room patapos na ang homeroom period." "Mag isa mo." "Tngina nito pakialamera." "Igapos niyo nalang yan dun sa puno." "Sakalin kita eh." Angela giggled at how her students reacted. "Awe, how sweet," she responded. Halos malaglag ang bawat isa sa mga upuan nila. Paano nakakatagal ang teacher nila at nagagawa pa nitong ngumiti? "Sige na sige na, ayusin niyo na 'yang mga 'yan. Itabi niyo 'yong kandila sayang." Naiinis man, sinunod nila ang utos ng guro at malamyang nag-ayos. Napangiti naman siya dahil dito. "Oo nga pala, sino 'yong nag kukwento kanina? Ikaw ba 'yon Goku?" Umiling naman ang lalaki na tinanong niya sa 'code name' na pauso nila. Hindi kasi sasagot ang mga estudyante niya kung hindi sila tatawagin nang ganito. "Oo ako 'yon, pero hindi ako si Goku, si Gohan ako. Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin kami natatandaan?" "Ay sorry! Oo nga pala, teka konting memorya nalang. Bakit ba kasi ayaw niyo na sa list ko nalang sundan." Umupo si Angela at binuksan ang kan'yang folder. "Gohan, kanino mo 'yon natutunan?" "Kinwento lang sa akin ng pinsan ko." "Sinong pinsan mo?" "Pakialam mo?" "Taray! Ahitin ko kilay mo eh, nang hindi ka na maging super saiyan." sagot ni Angela. Binatuhan niya lang ng masamang tingin si Angela. "Checking na ako ng attendance." Napapailing siya habang tinatawag ang mga pangalan na nakasulat sa tabi ng kanilang totoong pangalan gamit ang pulang tinta. Angela's POV Mukha lang silang sanggano pero isip bata naman sila. Hindi na ako nagtataka sa kakulitan ng mga 'to, dalawang linggo na rin pala, pero nako naman! Kailan ba babait itong mga 'to?! At nandito na naman po tayo sa mga pangalan na 'di mo malaman kung anong kapangyarihan ang taglay. Daig ko pa ang pumasok sa mundo ng anime sa mga batang ito! "Eugene?" "Present" "Majinbu?" "Oy!" "Uhm, Mojojojo" "Tadaa~" Hingang malalim nalang talaga, lalo na at nandito na ang sunod-sunod na mga saiyan, ang mga walang ginawa kung 'di ang magwala sa buong araw. Ang gaganda naman ng pangalan nila pero hilig pa mag-code name , isip bata talaga. "Trunks" Allen Gozun, astig ah tunog mayaman. "Hehehehehe"sagot niya. 'Di man lang sumagot nang maayos, tumawa lang. Tinapik-tapik pa niya ang biceps niya, wala naman! "Goku," si Jester Bacani. Ang pinakamatalino, "Kame-hame...---" pero isip bata rin. "Gohan?" "Wave!" Hay, umakto na naman sila ng may kapangyarihan. Sa araw-araw ko itong nakikita, hindi na ako nagtataka. Teka, si Gohan, ano nga ulit ang pangalan nito? Xandro Lean. Lean? "Xandro, kaano-ano mo si Xander?" Sumama ang tingin niya sa akin, ganoon na rin ang mga kaklase niya. "Who you?" Taas kilay pa siya! Hala, parang si Xander nga! Kamukha niya pa! "Si Xander Lean! Naging estudyante ko siya!" "Edi wow." Wait, kung tama ang hinala ko... "Siya ba 'yong pinsan mo na nagkuwento sayo no'ng kanina?" 'Yong walang kuwentang horror story na narinig ko, at ako pa ang reference huh? "Oo, siya. Pinsan ko si kuya Xander." Anak ng hayop na kinaliskisang kabayo talaga 'yang Xander na 'yan. Gagawan nalang ako ng storya, horror at killer pa ako. "Kumusta na 'yong madaldal na 'yon?" "Ang dami mong tanong." "Eh kasi naman, tatlong taon na yatang hindi nagpaparamdam 'yong mga mokong na 'yon. Mag a-apat na nga yata e, alam niyo ba na super close na close kami ng mga 'yon kahit na no'ng simula ganiyan din sila sa inyo. Mga walang pakialam, mga bastos, mga walang magawa na ma-" "Nandito lang si kuya Xander. Kanya 'yong ramen shop doon sa may pangatlong kanto. Ang dami mong sinabi." Ramen? Ay, Xander! Aba, iba na si Xander ngayon ha. "Sige sige, salamat." Nakakapagod din na ngumiti sa mokong na 'to. "Pakilabas 'yong mga libro niyo and turn them to page 44." "Pwede ba na lumabas ka na rin and turn to your left diretso sa gate??" si Trunks 'yon, alam ko kahit hindi ko siya nakita. "So, sa line na 'to kailangan ng-" "Miss Lopez!" "Principal Cayan!" Sh*t ano nanaman? Bakit sumusulpot nanaman siya? "Mukha yatang hindi mo kayang patinuin ang mga estudyante mo." "Nako! Sir ang bait po kaya nila! Tignan niyo nga ni hindi umi-i-mik. G*go talaga tong mga 'to." Masama lang ang tingin nila sa Principal at parang hinahamon ito ng away. "Gan'yan ba?! Gan'yan ba ang sinasabi mo na mabait Miss Lopez?" "Aa-ahh Opo! Gan'yan lang po sila manlambing!" Napatingin nanaman ako sa mga estudyante ko na-leche mga adik ba talaga to? Nag taas middle finger pa. "Talaga Miss Lopez? Kaya pala may mga pulis sa University at hinahanap sila Gozun, Bacani at Lean?" "Pulis?" Kaagad akong napalingon sa gawi nila. Pero hindi takot at gulat ang nakita ko sa kanila. "Ooooh bro! Sikat!" "Naks! Special mention by the cops, that's lit!" "Wooh! Picturan niyo mga pulis lagay natin sa my day sa messenger." "Okay another check sa bucketlist." Wow, excited pa ang buong klase. "Jester, Allen, Xandro tara na," tawag ng Principal. "Jester Bacani! Allen Gozun and Xandro Lean! Didn't you hear me? My office, now!" "Mr. Principal ako na po, hayy— Trunks, Gohan, Goku tara na. " Nakangiti silang tumayo at nagpalakpakan bago sumunod sa likod ko. Pagpasok sa office, hindi ko inasahan na ang daming pulis na nakaabang. "Kunin niyo na po sila." "Mr. Principal! Teka lang naman! Nasisiraan ka na ba? Hindi pa natin naririnig 'yong sasabihin ng mga pulis!"Ano kaya 'yon? Sasama agad? "Hoy kayong tatlo naman, hindi ba kayo kinakabahan sa mga parak na 'to?" "Parak?"tanong ni Mr. Cayan, hindi ko na siya pinansin. "Teka lang nga, Mr. Pulis, bakit niyo po sila kinukuha?" "Kailangan po namin silang maimbitahan sa presinto kasama na rin ang mga guardian nila." "Ah wala,ako wala," singit ni Xandro. "Ako rin wala," sabi naman ni Jester. "Mas lalong ako naman," sagot ni Allen. "Tungkol saan po?" "Mga kriminal sila, ano pa ba? Miss Lopez hayaan mo na nga sil—" "Hindi kita kinakausap Mr. Principal 'wag kang sumisingit." "Ooh you got owned!" "Snapchat~" "Nakunan mo?" "Oo sinigawan siya ni pandak haha!" "Kayong tatlo, umayos nga kayo! Hindi niyo ba naiintindihan na baka kung anong mangyari sa inyo?" "Ms. Lopez!" "Isa pa talaga Mr. Principal!" "Binabastos mo ako Miss Lopez!" "Edi sorry! Mawalang galang na Mr. Principal puwede ba na tumahimik ka muna? Mga estudyante ko po ito." Hindi ko na kayang magtimpi, bakit ba ganito ang simula ng araw ko? "Kayong tatlo naman, huwag niyo gawing katatawanan 'to!" I looked at the police officer and asked, "Anong kaso?" "R*pe." I was stunned, tama ba 'yong narinig ko? "Aba! Teka lang naman!" "Hoy! Ang dami na naming kalokohan pero hindi kami r*pist!" "Hindi kami gano'n." F*ck. I almost lost it, mabuti nalang at seryoso na ang mga bata ngayon. "Okay, hindi raw nila ginawa." "Miss Lopez! Bakit ka naman maniniwala sa mga estudyante mo na 'yan?! Alam mo kung ano ang kaya nila!" "As a matter of fact, yes. I perfectly know. Oo, tama ka nga siguro. Gagawa sila ng kalokohan at basag ulo sila, pero hindi sila gagawa ng gan'yan kasama. At kapag sinabi nila na hindi nila ginawa, hindi talaga." "Wala 'yan sa bucket list." One of the students cutely said with a pout. "Gohan, tumahimik ka muna." Tatawa pa sana sila ngunit natigilan sila sa masamang tingin ko. "Lopez, hindi mo na kailangan sumali sa problema namin. Alam ko na napipilitan na ka nalang makialam. Sige na, iwan mo nalang kami. Kami na bahala." "Tumahimik ka din Goku— oop! Ikaw naman Trunks 'wag na 'wag mong subukan na buksan 'yang bibig mo." "Ms. Lopez bumalik ka na sa classroom at—" "No." Napatigil maging ang Principal kahit na ayaw niya. Wala ako sa mood na maging chill, sawa na akong magkunwari. Hindi ko matatago ang totoong pananalita ko. "Sir, who reported them?" "Maam, kailangan po na sumama sila sa—" "You three, stand up. Come with us." "Ms. Lopez! Kailangan mo mag tuloy sa klase mo!" pigil ni Mr. Cayan sa akin. "Kailangan nila ako, sasama ako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD