"And now I pronounce you husband and wife! You may now kiss your bride." Natulala na lang siya sa sinabi ng pari na kahit noong nag-uumpisa itong magsalita, wala siyang naiintindihan. Holdap ang nangyari sa kaniya kaya hanggang sa kasalukuyan ay lutang pa rin siya. Sino ba naman ang hindi makapaniwalang pinakasalan nga siya ni Kameron Severino nang ganoon kabilis at agad-agad. Kahit sabihing panaginip lang iyon, sinampal siya ng katotohanan na nasa harapan sila mismo ng may edad na pari na nagkasal sa kanila. "Hija, ayos ka lang ba?" tanong ng pari sa kaniya. "Ha? A-Ayos lang, father." Bumalik siya sa naturang eksena ng kanilang kasal. Nasa daliri na rin niya ang singsing na kanina lang ay hawak-hawak ni Kameron. "Ang sabi ko, mag-asawa na kayo. Hahalikan ka na ng asawa mo," wika ng pa

