ABALA si Kameron sa mga paperworks niya matapos ang dalawang linggong bakasyon kasama si Trina. Mabusisi niyang tiningnan ang lahat ng mga pipirmahan niya upang makasiguro siyang walang bahid na anuman iyon. Nadala na siya sa pagpirma niya noon sa isang kontratang hindi niya gaanong nabusisi at nabasa. Habang abala siya, tumunog naman ang message tone niya. Dinampot niya ang cell phone upang tingnan kung sino ang nang-aabala sa kaniya. Hi, Labs! Good morning! I'm here in the circuit race and doing my practice routine. K&K for the win! He smiled after reading the message from his wife. She also sending her picture wearing her full gear suit with a peace sign on her finger. Itinigil niya ang pagpirma at sumandal sa swivel chair habang nag-scroll ng mga na-send pa na picture ni Trina sa kan

