Julianne Asan na kaya yun? Hindi naman sa OA ako ha, pero mag iisang oras na kasing wala si Alexander, hindi man lang magtext or call kung asan na siya. Naunahan pa siya ni Marj at Craig na dumating. Pina clear din dito sa rooftop, I don't know how Clyde and Sarah did it pero minutes before Marj came, halos wala ng ibang umiinom dito sa taas kundi kami na lang. Nasa may bar counter na din sina Clyde and Sarah and two other women, eto na yata yung bagong security detail ni Marj kasi napapadalas na yung paglabas niya. "Babalik daw ba siya?" Napatigil ako sa pagiisip nung siniko ako ng kapatid ko. "Huh?" Tanong ko habang nagtatagay. Kami ng tatlo nina Les ang nagsashare ng tequila. Sina E, Craig at Leslie naman ay abala mag argue tungkol kay Trump--actually mor

