TALA "TIYO? Saan po ba tayo pupunta?" Ang tanong ko kay Tiyo Con habang sinusundan lamang sya. Lumingon ito pero ngumiti lang at nagtuloy ulit sa paglalakad. Maaliwalas ang mukha ni Tiyo. Nakasuot ito ng puro puting long sleeve, pants at shoes. Wala akong ibang makita kundi ang puting paligid. Ang nakakapagtaka pa ay hindi na ako lasing. Maayos na akong sumusunod lamang kay Tiyo Con. "Tiyo?" Muli pang tawag ko sa kanya. Hindi sya lumingon pero may kakaibang nangyari. Nag-shift yung paligid mula sa puro puti tungo sa isang mataong daan. Isang pamilyar na daan na hindi ko mahagip sa isipan kung saan yun. Tirik ang araw at marami ang mga taong naglalakad sa daan na yun pero parang hindi kami nakikita ni Tiyo Con dahil nilalapamsan lang nila kami. Hala! Ano 'to? Bakit nilalampasan lamang

