TALA "HI!" BATI sa akin ni Harvey ng magising ako. "Oh, Harvs," Medyo nagulat ako. "Nasaan si Zareh?" Tanong ko ng hindi ko ito makita. "Ah, binilin ka nya sa akin kasi may mga shoot at taping sya ngayon, eh." Sagot nito. Tumango-tango ako. "Salamat ha pero baka mas kailangan ka ni Zareh?" "Eh, mukhang hindi naman. Kabilin-bilinan nya nga sa akin na wag kang iiwan mag-isa dito." Ang bait talaga ni Zareh. Ang laki na ng utang na loob ko sa kanya. Napangiti ako. Hindi nga ako iniwan ni Harvey at inalaagan ako. Infairness naman dun sa multong nanggugulo sa akin, hindi ako ginulo ngayon. Kaya medyo nakahinga din ako ng maluwag. Pagsapit ng hapon ay kinonfirm ng doctor na pwede na akong lumabas kaya kinailangan ni Harvey na iwan ako saglit para sa pagpaprocess ng release ko. Ayaw pa

