TALA PAGKATAPOS ng dinner with Tiya Ling ay umuwi na rin ito. Kami na nagligpit ni Zareh ng aming pinagkainan. Walang kibuan na natapos namin ang gawain. Gusto ko ng kausapin si Zareh about sa kapatid nya pero hindi ko masimulan. Hindi ko na pwedeng ipagpabukas ang about dito at baka hindi na ako abutin ng bukas sa galit ng multo ng kapatid ni Zareh sa akin. Kailangan kong harapin ang multo ni Star kung gusto kong matapos na 'to. "The night is still young, nood muna tayo?" Sya ang unang nagsalita ng matapos na kami. "Ah, sige." Ang tanging nasagot ko. Tahimik kaming naglakad papuntang movie room. I made sure na malapit lang ako sa kanya, mahirap na at baka biglang mag-appear ang multo ni Star. Sa takot ko'y wala sa sariling napahawak ako sa laylayan ng shirt ni Zareh. Nakangiting hin

