Alexis' POV
Madaling araw, nagsimula na kaming maglakbay patungo sa aming pakay. Nagdala ako ng payong, flashlight, tubig, mga damit at dala ko rin ang mahiwagang libro pati na rin 'tong pusang 'to. Nasa bag ko ang mga gamit habang itong pusa ay karga ko na parang isang sanggol.
"Ang aga pa e," reklamo ng prinsipe.
"Upang mas maaga nating mahanap ang diwata at nang makabalik ka na po," wika ko.
"Tsk, pahamak ka talaga. Timplahan mo na lang nga ako ng gatas, dali!" utos niya sa akin.
Natawa na lamang ako, "Akala ko ba beverage ang tawag doon?" sabi ko habang tawang-tawa.
Inikot niya ang kaniyang mga mata at sinabing, "Duh, whatever. Timplahan mo ako, bilis!" utos niya ulit. Napaka-bossy niya talaga.
"Nako, kamahalan, wala po akong gatas na dala eh. Tubig lang," sabi ko sa kanya na kanyang ikinagulat.
"What?! Tubig? Tubig lang? Sa'yo na lang 'yan!" Napakasama niya talaga. Ang dami pang arte.
Hindi ko na lang siya pinansin, bahala na kung magutom siya o mauhaw. Kagabi hindi rin siya naghapunan kasi hindi raw siya kumakain ng pagkain namin at saka hindi niya alam kung paano kumain ang isang pusa. Ang arte talaga ni kamahalan. Sigurado, kakain din ito kapag nagutom. Tingnan lang natin kung hanggang saan tatagal ang kaartehan nito.
No'ng sumapit na ang hapon, naisipan naming mamahinga muna sa sulok na hindi natatamaan ng araw. Pawis na pawis ako at pagod na rin, ang layo ng nilakbay namin.
"Alexis, pagod na ako,"
"Tiis lang po, kamahalan. Malapit na," wika ko sa kanya.
"Malapit? Eh, hindi ka nga tiyak kung saan ang paroroonan natin." kunot noo niyang sinabi.
"Ramdam ko lang po,"
"You're so witch! supposedly I'm just lying on my bed right now and YOU supposedly serving me. Urgh! I hate it! I hate this!" sabi niya saka umiyak na parang bata. Ngayon lang ako nakakita ng pusa na umiiyak.
Napakamot ako sa batok ko, "Ah... kamahalan 'di po kita maintindihan, pwede pakiulit? 'yung tagalog version po sana." pakiusap ko.
Tiningnan niya lang ako nang masama, "Witch!" 'yan lamang ang nasabi niya.
Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Pati tuloy ang mahal na prinsipe ay nagdudusa dahil sa ginawa ko.
Mga isang oras din kaming nagpahinga at pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad hanggang sa umabot na kami sa magubat na lugar. Wala nang masiyadong tao rito at nakakatakot na ang paligid.
"Are you sure about this?" tanong ng prinsipe at alam kong natatakot siya.
Hindi ko sinagot ang tanong niya dahil hindi ko naman naintindihan. Sabing konti lang ang alam ko sa ingles eh, ingles pa siya nang ingles. Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa wala na kaming makitang bahay at wala na rin maski isang tao ang dumadaan. Mas nakakatakot na tuloy ang paligid.
"Sa ganitong lugar madalas naninirahan ang mga diwata," wika ko habang pinagmamasdan ang paligid at habang mabagal na naglalakad.
"Meow, paano mo nasabi? Diwata ka ba?" sarkastiko niyang tanong.
"Huwag ka na magtanong," mahinahon kong sabi, dahil nagpopokus ako sa paligid.
"Aba, ginaganyan mo na ako ngayon? Baka nakakalimutan mong prinsipe ako."
Napatikom na lamang ako ng bibig. Napakapilyo talaga nitong pusang 'to.
Nagpatuloy lang kami hanggang sa umabot 'yung punto na hindi ko na alam kung nasaan na kami. Nawawala na kami!
"I told you! We should get back!" takot na takot siya.
"Ngunit kailangan po nating mahanap ang diwata," sabi ko.
"Ganito na lang, umupo ka muna at tingnan ulit ang libro. Baka mabasa mo na ulit,"
Sinunod ko naman ang mahal na prinsipe. Umupo ako at kinuha sa bag ang mahiwagang libro. Binuksan ko ito ngunit ganoon pa rin ang mga sulat, hindi ko pa rin mabasa.
"Hindi ko pa rin po mabasa,"
"Ganito na lang, halikan mo ako."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, halikan daw? Nababaliw na ba siya? Bigla ko na lamang naramdaman ang pag-init ng aking pisngi kaya iniwas ko ang tingin sa kaniya. "K-Kalokohan,"
"Come on, look at me, Alexis. Napanood mo 'yung the princess and the frog? hinalikan ng isang napakagandang dilag ang nakakadiring palaka tapos biglang naghugis tao ang palaka. Malay mo ganoon din ang sitwasyon natin,"
"H-Hindi po kita maaaring halikan,"
"Bakit hindi? It's just a kiss." sabi niya at naglakad patungo sa mismong lugar kung saan ako nakatingin. Ngayon ay nakatingin na ako sa isang pusa.
"Hindi iyon basta halik lamang,"
Pusa siya pero nagagawa niya pa ring kunutin ang noo niya, "Don't tell me you haven't kissed anyone ever since."
Ingles 'yon pero naintindihan ko siya, napayuko ako at muling uminit ang aking pisngi, ano ba 'tong nararamdaman ko?
Humalakhak siya nang malakas,"Kung ganoon, ako pala magiging first kiss mo?"
"H-Hindi po kita hahalikan."
"At bakit hindi? It is an order. Halikan mo ako." utos niya.
Tiningnan ko siya nang masama kahit nag-iinit pa ang pisngi ko," Pwede niyo akong alilain pero h'wag naman po sana ang p********e ko." wika ko.
"Hey Alexis! After all kasalanan mo 'to. Kasalanan mo kung bakit ako naghihirap ngayon."
Napatikom na lamang ako ng bibig, tama siya. Muli kong iniwas ang aking tingin at napaluha. "Nangako ako sa sarili ko na ibibigay ko ang aking halik sa taong pakakasalan ko," wika ko saka pinunasan ang mga luha ko.
"Halik lang naman iyon eh. Palitan mo na lang 'yung pangako mo," walang kwenta niyang ideya.
"Hindi niyo po alam kung gaano kahalaga sa akin ang halik na iyon,"
"Bahala ka na nga! Arte mo naman. Makakahalik ka na nga ng isang gwapong prinsipe tapos aarte arte ka pa. Alam mo ba kung ilang babae ang nababaliw sa akin? Ha? Ha? ang gaganda pa nila tapos karamihan sa kanila ay prinsesa pa." pagmamayabang niya.
"Tapos, ikaw na isang tagapagsilbi, isang tagapagsilbi lang ha, ang choosy pa. Tapos dinala mo pa ako sa... ewan ko kung saan 'to. Tapos 'di ka man lang magpapahalik? Tapos muntik pa ako ipalaman ng nanay mo sa siopao. Tapos 'di ka man lang magpapahalik?" naglakad siya palayo at patuloy pa rin sa pagbubunganga niya.
Inayos ko ang bag saka tumayo at naglakad na rin. Kaya niya pala maglakad eh, nagpabuhat pa siya.
Patuloy pa rin siya sa pagbubunganga habang naglalakad kami, tila hindi nauubusan ng salita. Palayo na kami nang palayo at patuloy pa rin siya sa pagbubunganga. Alingawngaw ng boses niya ang tanging maririnig dito sa kagubatan. Hanggang sa gumabi na nga at huminto na rin siya sa pagbubunganga, sa wakas. Wala kaming nahanap na matutuluyan dahil sa palagay ko'y kami lang ang tao rito sa kagubatan na ito. Buti na lang ay nagdala ako ng flashlight, ito lamang at ang kabilugan ng buwan ang nagbibigay liwanag sa amin.
"Whoa, my eyes are shining." wika niya habang nakatingin sa repleksyon niya sa isang malinaw na dagat-dagatan.
"Opo, ganiyan talaga ang mata ng mga pusa,"
"Mine's different, I have galaxies in my eyes," namamangha niyang sinabi, medyo naintindihan ko naman kaya natawa ako. Parang hindi pa siya nakakita ng pusa dati.
"Alexis, halika." tawag niya sa akin kaya lumapit ako at tiningnan rin ang repleksyon ko sa dagat-dagatan.
"Toinks, ba't walang kulay ang mga mata mo?" They're plain."
Natawa ako at sinabing,"Kasi tao po ako."
Natahimik siya at napansin kong tinititigan niya pala ang repleksyon ko kaya't nakaramdam na naman ako ng pag-init sa aking pisngi. Kakaiba ang kaniyang titig, isang titig na matagal ko nang hindi nakikita. "B-Bakit po?" tanong ko.
"Medyo maganda ka rin pala, noh?"
At ngayon ay ang biglaang paglakas ng t***k ng puso na naman ang aking nararamdaman. Ngayon lang may nakapagsabi sa akin ng ganito.
"Bakit wala kang boyfriend?" isang nakakagulat na tanong ang lumabas sa kaniyang bibig.
Ano kaya ang nasa isip niya? Bakit ganiyan ang mga sinasabi niya? Mga prutas na mula sa gubat na 'to lang naman ang kinain niya tapos ganiyan na siya magsalita. "K-Kasi po mas inuna ko muna ang pagtatrabaho para makatulong sa magulang," sagot ko.
Ngumiti ang isang pusa at umugoy-ugoy ang kaniyang buntot, "Kaya pala sa'yo binigay ng diwata ang natataging taglay eh. Dalisay pala talaga ang puso mo," wika niya na naging sanhi ng pagpatak ng luha ko.
"S-Salamat, kamahalan."
"Kira na lang itawag mo sa akin, tutal pusa pa naman ako eh."
"S-Sige, Kira…"