Napaungol siya habang binubuka ang kanyang mga mata. Gusto niyang kusutin ang kanyang mga mata dahil hindi klaro ang kanyang paningin habang nakatingin sa paligid ngunit hindi hindi niya maigalaw ang kanyang mga kamay. Naramdaman niyang nakatali pala ang dalawa niyang kamay ng isang lubid. Luminaw sa kanya ang lahat habang lumilinga sa buong paligid. Nasa kwarto siya na walang laman na kahit na anong gamit, nakasalampag siya at si Ivy sa semento. Pinilit niyang gumapang papunta kay Ivy, nakita niyang natuyo na ang dugo sa ulo nito at madami din itong pasa sa mukha . Gustong niyang maiyak sa kalagayan ni Ivy ngayon. Napatingin siya sa paligid, walang bintana sa kwarto at nakasara din ang pintuan. Bakit ito nangyayari sa kanila? "Ivy."Mahina niyang sambit dahil baka may makarinig sa

