Dumating na ang sunod niya na driver ni Ivy para ihatid siya at ang mga gamit niya. Matanda na ang driver at nakangiti itong sinalubong sila sa parking lot ng condominium. "Manong, ako nga po pala ang napangasawa ni Ivy. Pasensya na po pero hindi ako sasabay papunta sa bahay, may pupuntahan pa kasi akong importante. Kung pwede sana pahatid na lang muna ang mga gamit ko sa bahay." Pumayag naman agad ang matanda at ngumiti sa kanya. Agad naman nilang nilagay ang mga dadalhin niya sa bahay ni Ivy, pagkaalis ng sasakyan ay pinauwi na din niya si Ann dahil aalis na din siya. "Miss Niq, sigurado po ba kayong wag na akong sasama?" Nag-aalangan nitong tanong sa kanya, alam niyang sinabihan ito ni Ate Che na samahan siya kahit saaan siya pumunta. "Yes, may pupuntahan lang ako saglit tapos uuwi

