Dahil sa napagod siya sa mga ginawa ay nagbabad muna siya sa bathtub, natuwa siya sa isang basket ng petals na pwedeng ilagay sa bathtub, naglagay din siya ng honey at scented oil para ma moturized ang balat niya. Lalo siyang narelax kakababad kaya naman ay sobra niyang natagal sa banyo. Nang makapagpalit siya ng pantulog ay doon lang pumasok sa isip niya na puro nightgowns pala ang pantulog niya at wala siyang pajama, wala siyang nagawa kundi suotin iyon. Wala naman kasi siyang mapagpipilian, ang suotin ang nightgown o maghubad matulog na katabi si Ivy. Lumabas na siya at nakitang nakapatay na ang mga ilaw at ang maliit na lamp na lang ang nagbibigay ilaw sa paligid. Hindi niya alam kung maaasar siya o gumaan ang loob niya dahil ang lalaking kanina niya pa iniiisip ay tinulugan siya sa s

