Humakbang ito ng isang beses para lalong makalapit sa kanya. Nakatitig si Ivy sa kanya, naramdaman niya na lang na nakahawak na pala ito sa baba niya at isinara nito ang nakabukas niyang bibig. "Mabuti na walang umaaligid sayong langaw ngayon." He smirked. Nagkatitigan silang dalawa hanggang sa sinamaan niya ito ng tingin. Ngunit ang asungot ngumiti lang at patuloy na tinititigan siya, nilapit nito ang katawan niya sa katawa nito. Tatanungin niya sana kung bakit nandito ito ngayon ng bigla nitong sakupin ang bibig niya. Para namang automatic na nakaprogram ang katawan niya tuwing hahalikan siya ni Ivy dahil agad ng nakakapit ang mga braso niya sa leeg nito. Unti-unting pinasok ni Ivy ang dila nito sa bibig niya na nagdulot ng lalong pag-iinit ng buo niyang katawan. Hindi niya na n

