Chapter 1

1946 Words
Nakatingin siya sa labas ng bintana ng taxi na sinasakyan niya ngayon, papunta na siya sa airport ng Las Vegas. Napabuntong hininga na lang siya habang may nararamdaman pa din ng kakaiba sa p********e niya pati ang ibang parte ng katawan niya ay nananakit, na para bang binugbog siya mula ulo hanggang paa. "Tignan mo ang sarili mo ngayon Dominique, urghh ano bang pumasok sa isip mo kagabi?!" bulaslas niya. She feels sore all over which means she really had s*x with that so-called husband of hers who looked like a demigod. And it's not a dream, definitely not. Grabe ang pagkabigla niya na magising siyang huba't-hubad habang nakapulupot sa bewang niya ang isang braso ng lalaking hubad din, looking so sexy with his hard muscles and his ehem 'manhood'. Iyong aantok-antok niyang diwa ay nagising bigla ng makita niya ang p*********i na pinagmalaki nito ng gabing may mangyari sa kanila. She was utterly shocked looking at the man she had s*x with, who she gave her virginity. Huling gabi niya na sana kagabi sa Las Vegas kung nagstay lang sana siya sa hotel room at natulog edi sana hindi ito nangyari sa kanya ngayon. Sana hindi niya nakilala ang ang lalaking ito na ubod ng sexy ngunit nakatatak naman ang salitang 'kasalanan'. Ang pinakaiingatan niya ng twenty three years ay nawala lang bigla sa kanya dahil sa isang gabi na puno ng pagkakamali. Muntikan na siyang mawalan ng ulirat ng pumasok sa utak niya na kinasal siya kagabi sa isang lalaki na hindi niya man lang alam ang pangalan. Kaya naman mabilisan siyang umalis sa hotel room nito habang mahimbing pa ang lalaking natutulog, mabilisan niyang sinuot ang dating damit niya na nagkalat sa kwarto. Wala na siyang pakialam kung anong mukha niya kanina at mabilisang pumunta sa sarili niyang hotel room. Yes, sa kasamaang palad nagsta-stay sila sa iisang hotel, doon sila nagkakilala ng lalaki. Mabilisan niyang inayos at niligpit ang lahat ng gamit niya, pinagtatapon niya na ang lahat sa suit case niya at umalis ng hotel. Hilong-hilo siya habang ginagawa ang lahat para lang mabilis na makalayo at makauwi na ng Pilipinas. Naiisip niya ang manager niya ngayon, kakatayin siya ng buhay pag nalaman nito ang nangyari sa kanya, Ang pagpunta niya rito sa Las Vegas ay isang sekreto sa manager niya dahil alam niyang hindi siya nito papayagan na umalis ng bansa na mag-isa. Marami kasing bumubuntot at umaaligid sa kanyang mga paparazzi na hindi siya tinitigilan. Tumakas lang siya ng ilang araw at babalik lang sa Pilipinas ng mahinahon, bumalik sa trabaho ng walang ingay ngunit ang plano niya ay naiba dahil sa nangyari ngayon. Paano na lang kaya kung malaman ng manager niya na kinasal siya dito sa Las Vegas? Hindi, hindi mo sasabihin sa kanya Dominique. Wala namang ibang nakakaalam na kasal ka bukod doon sa demigod na asawa mo kuno. Biglang nanlaki ang mga mata niya at sinabunutan niya ang kanyang mga buhok ng pumasok sa utak niya na malamang naplano na ng lahat ng lalaking iyon ang lahat. Pero wala naman sa mukha nito ang gumawa ng ganoong bagay. Wait, pilipino ba iyon? Mukhang foreigner ang lalaking iyon. "Oh my god!" Bulaslas niya kaya naman napatingin sa kanya ang taxi driver sa rearview mirror. Ngumiti na lang siya rito kaya tumingin uli ang driver sa daan habang siya ay napatingin muli sa singsing na suot-suot niya. Napansin siyang umiling iling ang taxi driver sa kanya. Mukha na ata akong may sapak sa utak. Muli isyang napabuntong hininga at muling natutok ang paningin niya sa singsing na suot niya. Ngayon niya lang naisip na napakaganda pala ng singsing na suot-suot niya, isang gold plated ring na napapalibutan ng diamonds. Mukhang mahal ang singsing na ito at hindi naman mukhang peke. Napangiti siya dahil bagay na bagay sa kanyang daliri ang singsing. What can she say, may taste ang kanyang asawa at mukhang mayaman pa. "Pero kinasal ba talaga ako?" Muli niyang bulaslas sa sarili niya. Iniisip niya kung anong mangyayari sa kanya ngayon. Ngunit biglang pumasok at sumisingit ang mukha ng lalaking bumihag ng katawan niya kagabi. Napakagat labi siya ng muling maalala ang nangyari sa kanila kagabi. She was really drunk last night but when they did the deed, she was sober. Lahat ng detalye sa ginawa nila kagabi ay tatak na tatak sa utak niya na hindi niya magawang alisin. He made her remember every moan she made, she remembered the pleasure she had with that sinful guy. She remembered all the details. Hindi niya alam sa sarili niya kung may pagsisisi siya sa nangyari kagabi. Nalilito na siya sa sarili niya pero ang tanging nasa utak niya lang ngayon ay dapat na siyang makauwi sa Pilipinas at kalimutan ang lahat ng ito. Yes, move on. Natigil siya sa pag-iisip ng tumigil ang taxi, tumingin siya sa paligid at napansin niyang nakarating na pala siya sa airport. Masyado lumulutang na ang utak niya ngayon. Agad niyang binayaran ang taxi driver at bumaba na, simpleng t-shirt at pants lang ang suot niya. Sinuot niya na rin ang cap at shades niya dahil mahirap na kung may makamukha sa kanya rito sa airport. Mabuti na lamang at nasa business class ang pinabook niya dahil wala masyadong tao doon. "Here is your seat Ma'am," sabi ng stewardess. Inalalayan siya nito papunta sa upuan niya, napatingin siya sa paligid at mangilan-ngilan lang ang nakasakay. Nakuha ng atensyon niya ang katabi niyang lalaki na nasa kabilang aisle, nakasuot ito ng itim na polo shirt na bumabagay sa katawan nito. Hindi niya nakita ang mukha nito dahil medyo natatabunan ang mukha nito ng magazine na binabasa nito. Somehow, the guy looks familiar to her. "Do you need anything Ma'am?" bumalik ang atensyon niya sa stewardess, ngumiti siya rito at umiling. Inilagay niya sa kanyang tabi ang maliit niyang bag at naupo na siya. Inayos niya ang upuan niya upang maging komportable siya. Lutang pa rin ang kanyang isipan sa lahat ng nangyari, na lalong nagpapasakit ng ulo niya. Sinara niya na lang ang kanyang mga mata ng maayos na siya sa kanyang upuan dahil gusto na niyang matulog at kalimutan ng ilang oras ang problemang kinakaharap niya. Wala siyang tulog kaya kailangan niyang bumawi ngayon ng lakas. Pakiramdam niya ay nadrain lahat ng enerhiya niya sa katawan, she needed sleep badly. Meron siyang 12 hours para matulog ngayon bago mag stop over sa San Francisco. Sinuot na niya ang sleep mask at komportableng natulog. Her thoughts drifted away as she went to darkness. Naalimpungatan siya ng may iba siyang nararamdaman na para bang may nakatingin sa kanya. Hinubad niya ang kanyang sleep mask, medyo hindi malinaw ang kanyang paningin kasi galing siya sa tulog. Napatingin siya sa kaliwa niya ng mahuli niya ang lalaki na nakatingin sa kanya, ito rin ang parehong lalaking tinignan niya kanina. Why does he look so familiar? "At last your awake, Babe," he smiled showing his two dimples. Babe? Bakit pamilyar ang boses nito? Naisip siya habang habang nakatitig siya rito. Tinitigan niya ang lalaki ng maayos, mula sa mata nito na kung makatitig ay manglalambot ang mga tuhod mo papunta sa perpekto at matangos nitong ilong pababa sa mapula nitong mga labi na masarap halikan. Masarap halikan? Masarap? Biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng rumihistro sa kanyang utak kung sino ang lalaking nasa harapan niya ngayon. It can't be him. It's impossible. "How have you been in the past 13 hours, my runaway wife?" Ngumiti ito ngunit nakikita niya sa mga mata nito na hindi nito nagustuhan ang pagtakas niya. "Impossible." Walang pumapasok sa utak niya ngayon kundi ang pag-iisip na bakit ang lalaking kasama niya kagabi ay katabi niya ngayon. Why the heck is he here? "So how are you?" biglang napunta na naman rito ang atensyon niya. Ano bang pwedeng sabihin niya sa ganitong sitwasyon? At bakit napakagwapo ng nilalang na ito? Bakit kailangan ganito kagwapo ang nilalang na ito? Napasunod ang paningin niay rito ng na itinaas nito ang kamay at inayos ng mahahaba niyang daliri ang buhok niya, ang iilan nitong buhok ay nahulog sa noo nito na lalo lang nagpa-sexy sa kabuuan nito. Bakit ang sarap ng lalaking ito? Para siyang nahimasmasan sa naiisip niya, puro kahalayan! Ni hindi pumasok sa isip niya na magkikita silang dalawa rito sa eroplano papunta sa bansa niya. So paano niya maiisip na iready ang utak niya sa ganitong pagkakataon. Anong gagawin niya? Wala sa sarili ay napatayo siya at nakatutok pa rin ang paningin sa lalaki. "Excuse me," mabilis siyang tumayo at walang lingon-lingon na dumiretso papuntang banyo. Kulang na lang takbuhin niya ang distansya ng banyo para lang makapagtago. Pakiramdam niya sobrang pula ng mukha niya ngayon. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya ngayon ng makita niya ang lalaki. Ni hindi talaga sumagi sa isip niya na agad-agad maglalandas ang mga landas nilang dalawa, ni hindi man lang inabot ng araw at talagang oras lang ay nagkita na naman sila. Napabuntong hininga siya habang nakatingin sa repleksyon sa salamin. Was she this unlucky? Bigla siyang napahawak sa pinto ng biglang gumalaw ito. Napabuntong hininga uli siya ng maisip niyang nakalock naman ang pinto kaya walang makakapasok. "Hey wife, are you ok?" nanlaki ang mata niya ng marinig ang boses sa labas ng pituan. At alam na alam niya kung sino ang taong nagsalita lalo na sa endearment nito sa kanya. Sinamaan niya ng tingin ang pintuan na para bang tatagos iyon sa taong nasa likod ng pinto. Nanggagalaiti talaga siya sa lalaking iyon na parang walang kahihiyan. "Ano ba kasing kailangan niya sa akin?" bulaslas niya sa sarili habang nakatingin muli sa salamin. Inayos niya ang kanyang mukha dahil kagagaling niya lang sa tulog baka may laway laway pa siya sa mukha na di niya alam. Inayos na rin niya ang mahaba niyang buhok at piniusod ito. Napaikot ang mata niya ng muling makarinig ng katok sa pintuan. Bakit ba katok ng katok ang lalaking ito? Hindi makapaghintay na makalabas ako? Nakakaasar. "What? Can't you wait?" Nakasimangot niyang sabi pero agad natigil ng makitang matandang babae ang nakatayo sa pintuan at nasa gilid niya ang lalaking bwisit na nakangiti pa ngayon. "Pasensya ka na hija, ihing-ihi na kasi ako," paghingi ng paumanhin ng matandang babae at ngumiti ito sa kanya. Nag iba din naman agad ang reaksyon ng kanyang mukha dahil sa pagkapahiya. Mabilis siyang gumilid para makadaan ang matanda. Napatingin siya sa lalaking katabi at sinamaan ito ng tingin. "Nako pasensya na po kayo, akala ko po kasi ang -- ang asawa ko ang katok ng katok rito sa pintuan." Ngumiti sa amin ng matamis ang matandang babaeng sosyal ang pananamit, puti na ang buhok nito ngunit halata pa rin ang ganda ng mukha nito na natabunan lang ng panahon. "Don't worry hija, ganyan talaga pag bagong kasal pa lang, maraming pag-aaway. Ganyan-ganyan din kami ng asawa ko noong panahon. By the way, bagay na bagay kayong dalawa." Ngumiti na lang siya sa matanda hanggang sa tuluyan na itong pumasok sa banyo. Niligon niya ang lalaki at pinanlakihan ito ng mata.ng marinig niya itong tumatawa, unti-unting nawawala ang asar niya ng makita ang nakatawa nitong mukha. Bakit parang nanonood siya ng advertisement ng toothpaste ngayon? No Dominique! Pull yourself, wag kang papalinlang sa mukha ng lalaking iyan! "Why the hell are you laughing?" nakasimangot siyang sambit rito at bumalik na siyang maglakad papunta sa upuan niya habang ito'y nakasunod sa kanya. "Bwisit, pasalamat ka pogi ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD